JUSKO. Noong nag-aya siya 'non, natakot ako. Kulang na lang, isagot ko 'neneng pa lang po ako huhu please spare me' pero baka sabihin niya, grabe namang assumera ko kaagad.

"Uh... May tao?"

HAHAHA imaginine niyo na lang kung paano nagexpand yung mata niya noong sinabi niya yon. Buwakangna kasi naman di ako nag-iisip. Ako pa tong nagmukhang aggressive!

"I mean—shoot, kasi..."

Di lang ako mukhang aggressive, defensive pa. Jusmiyo, paalam, dignidad. Nice being with you na lang.

"Gets ko. Merong tao, wag ka mag-alala."

"Ayaw mo gawin na lang online?"

"Hirap mag-usap ng solutions online. Mas okay kung sabay natin tong gagawin."

Eh di fine, panalo siya. Inisip ko, kung yayayain ko naman to sa bahay namin, baka magwala at sermonan lang ako ng nanay ko. Nagtext ako sa mga magulang ko na medyo gagabihin ako sa pag-uwi at hindi ako sasabay sa service dahil may kailangan pa ako gawin.

Nalaman ko, isang tricycle lang ang layo niya sa school. Eh iyon, normal din siyang tao. Binuksan ng nanay niya yung gate. Parang galing pa nga lang sa trabaho. Todo hello naman ako. Pinakilala pa ako ni Theo, at nakalimutan niya yung pangalan ko.

"Ma, si... si..."

Awkward.

"Ano ulit pangalan mo?"

"Tasha na lang po."

Pagkatapos ng mga intro, pumunta siya sa taas. Question and answer portion naman ang kinaharap ko sa nanay niya habang nasa taas siya. Kung taga saan ako, pati probinsiya ng nanay at tatay ko natanong din.

Pagkatapos non, ginawa na namin yung dapat namin gawin habang umakyat yung nanay niya. Siguro naka solve na kami ng isa nang bumaba yung nanay niya na nakapambahay. Few minutes later, narinig ko na yung tunog ng washing machine. Pagkatunog ng washing machine, bigla siyang tumayo.

"Kumakain ka ba ng itlog?"

I struggled kakaisip na: Hindi ako tatawa. Hindi ako tatawa... HINDI TALAGA AKO TATAWA. SHET HINDI KO KAYA NATATAWA AKO. Huhuhu mga anghel sa langit, please guide me!

"Ikaw, kanina ka pa!"

Wala, hindi na ako nakahinga katatawa. Akala ko that time, limang salita na matino naman talaga ang ibig sabihin ang magiging dahilan ng pagkamatay ko.

Nakakahawa yung tawa ko, kaya natawa na rin siya.

"Hoy, tama na yang tawa mo!"

"Sorry! Sorry! Pero, oo, gusto ko ng—itlog."

And BAM natawa nanaman kami pareho.

"Bwisit! Magtotorta na nga lang ako!"

"Uy! Ayos yan! Favorite ko ang torta. May talong ka?"

"Uh... Sigurado ka ba sa mga tinatanong mo?"

"Bakit?"

"Wala."

Sabay kuha ng talong sa ref at batil ng itlog.

"Simple lang naman magluto non"

"Eh masarap eh. Di ako nagsasawa."

"Magsasawa ka kung araw-araw mo kakainin."

"Eh hindi ko naman araw-araw kinakain."

"Mahilig ka nga sa itlog."

"Hindi ako sa itlog mahilig. Sa tortang talong. Magkaiba yon."

"Sa akin, mahilig ka?"

Nanlaki yung mata ko pagkasabi niya.

"Wow, kuya, ang aggressive mo. Medyo flirty moves."

Bigla siyang natawa.

"Ay sorry, offensive ba?"

"Hindi, okay lang. TORTA kasi ang initials ko."

"O eh ano naman. Sa tortang talong ako mismo mahilig, hindi sa tao."

Tapos nagtawanan ulit kaming dalawa.

Pinagmasdan ko na lang siya magbatil. Tapos doon ko narealize na normal din siya.

Normal din siyang tulad ko.

"De, para kasing sa klase magkakagrupo na. Eh wala naman akong makausap. Ready na nga ako sabihin kanina na ready na ako mag solo sa pair work."

"So yung pang fliflirt mo sa kin ngayon ngayon lang is a way para may makausap ka sa klase, ganon?"

"Pwede."

"Ay kuya, wag ganon. Marami kang masasaktan sa ganyang paraan."

Natawa lalo siya sa kin.

"Hindi ba effective ang ganon?"

"Saan?"

"Sa mga babae?"

"Depende. Wag niyo kasi kami i-generalize. May mga walang iba kundi love life ang iniisip, may mga pag-aaral lang ang nasa isip etcetera, etcetera."

"Kilala mo si Bea?"

"Bea?"

"Bea, graduate na ngayon."

"Hindi eh."

"Parang ganon yung atake ko."

"Atake?! Ano yon, kinami hame wave mo siya?"

"Hindi! Parang ano... Parang niligawan. Ended up na may iba pala siyang gusto."

"Ganon talaga. What's not yours belongs to others."

"You don't say."

Tumawa nanaman kaming dalawa. Natatandaan ko pa kung paano niya nilagay sa pan at yung amoy nung niluto niya.

Hindi ko maexplain kung bakit ang saya ko.

So kumain kaming dalawa. Alam kong mabilis lang magluto ng torta, at alam kong kahit sino, masarap magluto ng torta. Siguro, iba lang yung may kapalagayan ako ng loob.

Tapos ting! The rest followed.

Magkausap kaming dalawa lagi, tipong tinutukso kami sa klase. Hindi ko alam pero secretly akong kinikilig kahit hindi ko pa sure kung crush ko nga ba siya.

Siya naman, bigla na lang siyang aakbay sabay sabing, "De, kailangan ng TORTA ang MANTIKA para mabuo, diba?"

MANTIKA stands for Ma. Natasha I. Kaluag. Hindi ko talaga intials, pero ang witty lang niya na nakita pa niya yung MANTIKA sa buong pangalan ko.

Tapos kikiligin na yung buong klase. Naging No. 1 used-couple-sa-mga-example-ng-mga-teachers-at-group-work kami sa loob ng isang buwan. Bilis di ba?

Doon ko narealize na siguro, hindi kailangan gwapo yung tao para magkagusto ka. Mahalaga, papasa siya sa standards ko.

Eh ano bang standards ko?

Una, normal siya.

Pangalawa, masarap dapat magluto ng torta.

Napangiti ako, knowing na meron akong tao na kadamay ng kalokohan. Siguro nga, crush ko siya. Pwede ding kapalagayan lang ng loob. Nagdasal ako kay Lord na kalmahin yung puso ko dahil ayokong agad-agaran yung pagdedesisyon ko na: shet, baka siya na.

Baka infatuation lang.

O baka dala lang ng puberty.

Pwede ding dahil sa kanya, biglang kumukulay ang mundo ko.

Lost and FoundOù les histoires vivent. Découvrez maintenant