Chapter 28: Hairpin

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa tabi ko, pinasok ni mama yung braso niya sa hook ng braso ko. "Gusto ko siya, ah."

"Ako din Ma," sabi ko habang tinitignan ang papawalang figure ni King sa malayo. "Ako din."

Sa kwarto ko noong gabing iyon, binalikan ko yung mga nangyari sa amin buong araw. Yung mga salitang binitawan, yung mga actions na ginawa, yung mga pinuntahang lugar. Tinititigan ko rin yung mga regalong natanggap ko kay King.

Ito ang unang beses kong lumabas kasama ang lalaki. Unang beses kong makipag-date. Kaya wala akong batayan kung maganda ba o hindi yung kinalabasan ng buong araw.

Hindi ko pa rin sukat akalain na may gusto rin sa akin si King. Kelan pa? Bakit ako? Paano na ngayon? Oo, masyado kong ina-analyze pero kinakabahan ako. Paano na sa Monday pag pasok namin sa school? Babalik ba kami sa pagiging seatmates lang?

Wala akong maisagot sa mga sarili kong tanong kaya itinulog ko na lang sila. Bahala na sa Monday.

Pagpasok ko sa classroom, ilang pares ng mata agad ang tumingin sa akin. Kapag lampas ko sa kanila, nararamdaman kong nagkukumpulan sila sa likod ko at magbubulungan.

Okay, weird. Ganito ba talaga ang nangyayari sa classroom kapag sobrang agang pumapasok? Hindi na uli ako papasok ng ganito kaaga kahit kelan. Tumatayo balahibo ko sa batok sa mga classmates ko eh.

Bakit nga ba kasi ako pumasok ng maaga? Nerves. That's why. Masyado akong nate-tense sa kung ano man ang magiging attitude sa akin ni King ngayon. Magiging back to normal na ba at balik asaran at inisan kami o kahit papaano, dahil na rin sa nangyari noong Friday, masusulyapan ko uli yung malambing na King na nakasama ko noong Friday? Inagahan ko na yung pasok ko para mauna ako sa kanya. Nakaplano na lahat sa isip ko. Babatiin ko siya katulad ng mga normal naming batian. Kapag hindi niya binalik yung pagbati ko, ibig sabihin balewala yung Friday. Kapag in-acknowledge niya...

Ayoko pang isipin. Bahala na. Itinungo ko yung ulo ko sa table habang naghihintay.

Maya-maya, naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya bigla kong itinaas ang ulo ko at bumati ng "Good morning!"

"Good morning din," sabi ni Dan Gab. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Kakaiba kasi yung aura niya ngayon. Wala yung vibrant at masayahing energy na nagra-radiate sa kanya. Yung mukha niya, parang namatayan.

Naging concerned naman ako bigla at hinawakan yung balikat niya. "Okay ka lang ba?"

"Pwede ba tayong mag-usap?" Hindi niya sinagot yung tanong ko.

"O-kay," dahan-dahan kong sinabi. Walang magandang kinalalabasan ang mga ganyang kataga. Kapag ganyan yung itsura at sinabi sa iyo na gusto ka niyang kausapin, panigurado masama yung sasabihin sa iyo.

"Hindi dito," tumayo siya at naglakad palabas ng room. Hindi na niya ako nilingon kaya sumunod na lang ako. Nahirapan pa akong makahabol sa kanya kasi hinubad ko yung sapatos ko kanina kaya nagi-struggle pa kong ayusin yung sapatos ko habang naglalakad. Hindi ko tuloy nakita yung dinadaanan ko at nakabunggo ko yung kasalubong ko sa pinto.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon