Chapter 33: Puzzle Escape

4.3K 107 2
                                    

Lucine's POV

Ilang minuto na naming sinusubukang sirain ang pinto pero kakaunti pa lang ang crack traces nito. Mas nahirapan kami dahil masyadong matibay ito.

"Charles, Flynn—balyahin na natin ito bago pa nila tayo maabutan." Sabi ko.

Tumango naman sila at sabay sabay naming ipinangbalya ang mga braso namin.

Ilang ulit pa at tuluyang bumagsak ang unang pinto.

Nakapasok kami sa loob pero tama si Flynn. Isa ngang double door room to.

May isang brown na pinto ang sumalubong sa amin.

Sa gitna noon ay may pin code machine.

"Flynn?" Taka kong tanong.

"Wait. I am thinking dahil noong huling nilagay nila ang isang naparusahang scoundrel jan, may natatandaan akong pin. Sandali--" sabi nya at tila iniisip.

Wala kaming nagawa kung hindi intayin ang magiging sagot nya.

"Help! Help me please!!"

Napapitlag kami ng marinig ang boses na iyon.

"Celena?!" Sigaw namin.

Kinalampag na namin ni Charles ang pintuan na humaharang sa amin.

"Ate Lucine-- ate tulungan nyo ko!--'' sigaw nya.

"Oo Celena. Sandali na lang--" sabi ni Charles.

"Flynn?!" Sabi ko.

"Aah-- Wait." Sabi nya.

Tuloy tuloy lang si Charles sa pagsipa sa pintuan ngunit wala pa ring nangyayari.

"Flynn? Wala na tayong oras pa! Naririnig ko na ang dami ng scoundrels na gustong sumugod rito!" Sabi ko.

"Oo Alam ko. Sandali na lang." Sabi nya.

"Parang natatandaan ko na ang Logic ni Mr. Primo." Sabi nya.

"Kung ito ay room 201 at nasa second floor. Pangalawang anak sa limang magkakapatid, at pangalawang digmaan ito after 10 years,
maaaring--" sabi ni Flynn at agad na pumunta sa harap ng pintuan.

"Ano ang pin!?" Sigaw ko.

"Two one zero. Two hundred ten." Sabi nya.

Agad naman nyang pinindot iyon.

Sa baba ng mga numero, may isang tuwid na linya doon na umiilaw ng pula.

"Pag nagkulay yellow yan, bubukas ang pinto at maaaring mailabas si Celena." Sabi nya.

Nagsimula ng magflicker ang kulay sa linya.

From red, naging orange, hanggang sa nawala ang kulay.

"Bullshit! Anong nangyayari?!" Sigaw ko.

"Hindi ko alam!" Sabi nya.

"Yun lang ang Logic na ibinigay ni Mr. Primo noon!" Sabi ni Flynn.

Sa sobrang pagkadismaya ko, Para akong hihimatayin pero hindi—bumagsak ako sa carpeted floor at duon ibinaon ang mukha ko sa dalawang binti ko.

Flynn started to comfort me.

"Ms. Lucine.. hindi tayo pwedeng tumigil. Hindi pwedeng mapahamak si Celena at ang anak nya!" Sigaw ni charles.

Wala akong nagawa kung hindi umiyak.

"I am sorry Celena." Bulong ko.

"What the-- Ate Lucine! Charles! Ilabas nyo na ako rito!" Sigaw nya.

THE HELLION'S CRAVES✔Where stories live. Discover now