Chapter 3: Confused

14K 335 3
                                    

Dalawang linggo na rin ako na nag aaral rito at so far, normal naman ang trato nila sakin.

Nagsimula na akong magpainit ng tubig para sa pampaligo ko dahil kahit papaano, medyo malamig rin.

Naghain na ako ng Breakfast ko.

A cereal and a cup of coffee with some mini mallows.

Iniintay kong mag init ang tubig ng may bumusina sa harap ng mansion.

Sumilip ako sa bintana at isang puting sasakyan ang nakaparada.

Pinagbuksan ko ito at hindi nga ako nagkakamali. Si Charles nga.

"Aga natin ah." Sabi ko.

"Oo ah. Susunduin kaya kita." Sabi nya at siniko ako.

"Aray. Oo na. Pasok ka muna. Nag almusal ka na ba?" Tanong ko.

Napailing na lang sya.

"Kain ka na dito." Sabi ko.

Inoffer ko ang hindi pa bukas na cereals at nilagyan ng gatas.

Naligo na muna ako habang kumakain sya.

Pagkatapos ng paghahanda, sinuot ko na ang uniform na kabibili ko pa lang nung isang araw dahil kulang ang pares ng uniforms ko.

Isang Black na blouse at may Black na coat. Nakapartner rito ang dandellion bow tie at skirt with black Socks and shoes.

Sinakay nya na ako sa sasakyan nya at bumyahe na kami sa school.

As usual—weird sila. Ng marating namin ito, kakaiba ang ibang tao rito. Ang iba ay normal at ang iba ay talagang kakaiba.

Hindi ko alam kung bakit pero lahat sila nagiging creepy sa paningin ko everytime I'm looking at them.

Parang lahat sila nakatingin sa akin ng napakatatalim. Para akong minumurder sa utak nila.

Isang grupo ang lumapit sa akin at ngumisi. Dalawang babae at tatlong lalake.

Pinalibutan nila kami ni Charles.

"Oh. So andito pala ang Master ng Well-Tamed breeds?" Sabi ng lalake na nakatingin kay Charles.

"Shut up." Sabi ni Charles at isang bagay ang nakita ko sa kanya.

Kakaiba at never ko pang nakita.

Naging golden ng sandali ang mga mata nya. Sandali, baka namamalik mata lang ako dahil sa araw.

Kung ano ano talaga iniisip mo Celena.

"Charles Hummington, the Master of well T--" sabi ng lalake.

Tinalikuran ako ni charles at hinarap ang mga lalake at grupo nito.

Hindi ko alam kung ano talaga ang ginawa nya pero napaatras na ang lalake at ang grupo.

Nagtuloy na kami sa paglakad at lahat ay umaatras. Ang iba ay bumabati at ang iba ay nagba-bow.

"Sandali, may position ka ba rito at ganyan ka nila respetuhin?" Tanong ko.

"Uhm. Meron, ay wala pala." Sabi nya.

"Tsh. Ano nga?" Tanong ko.

"Wala nga. Wag ka na nga maraming tanong." Sabi nya at tumawa ng sandali.

Nag proceed na ako sa klase ko. Hinatid nya ako roon at bago sya umalis, tinignan nya ang lahat ng matalim at nakakasindak. Maski ako nagtaka rin dahil sa mga titigan nila.

Anyways, umupo na ako sa tabi ng bintana dahil nariyan na ang proffesor namin.

Bumati ito at nagpakilala.

THE HELLION'S CRAVES✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon