Chapter 13: Consequences

9.3K 195 1
                                    

Ang saya saya ko dahil nasa theme park kami. Para akong binalik ng hangin sa nakaraan.

Ang bawat ngiti ng mga tao rito. Ang mga bagay na nagpapaalala sakin ng friendship naming tatlo.

Pero bakas sa lahat ang respeto na binibigay nila dahil naririto ang Hellion ng Uncontrolled Breeds. Marami rin ang napapatingin at umiiwas. May mga bumabati at nag ba-bow. Karespe-respeto nga sya.

"You happy?" Tanong nya.

"I am. You really made me happy." Sabi ko.

Niyakap nya ako for the nth time at hindi ko alam pero napakaintense ng yakap na yun. Maski ako nabigla at napayakap na rin.

"I want you to be happy." Sabi nya then kissed my forehead.

"Every little thing I know about you makes me happy." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Tara?" Tanong nya.

I nodded in excitement.

After a while, nakapila na kami sa isang ride. The Breeze Cart. Napakasaya ko pag nararamdaman ko ang hangin na sumasalubong sa pag ikot ng cart.

"Let's enjoy." Sabi ko lang.

Pagkatapos ng breeze cart, nagpunta kami sa arching balloons. Marami syang naputok na balloon kaya may prize sya.

It is a huge teddy bear, colored peach and velvety.

"For you." Sabi nya at binigay ang bear.

"Really?" Masaya kong tanong. He just nodded and smiled.

Napakasaya ko. mga bata pa kami ng huli akong makatanggap ng mga ganito sa kanila ni charles.

Lumipas ang ilang oras at kumain muna kami bago umuwi.

Bumili sya ng mga cotton candies, ice creams and other foods.

Ng maupo sya sa tabi ko, nagpasalamat ako sa kanya.

"Salamat sa lahat." Bulong ko sa kanya.

"Its just the least I can do for now." Sabi nya.

"I want you to know na nandito ako lagi. I will always be here, reserved for you." Sabi ko.

"And for me only." Dugtong nya pa.

Naramdaman ko muli ang pagtremble ng kalamanan ko. Ang hindi ko maipaliwanag na feeling.

Umuwi na kami dahil sa pagod.

Pagdating namin dun, nakita kong nagkakape si Ms. Lucine na nakatanaw sa window pane.

Malalim ang iniisip nya at hindi ko malaman kung ako ba iyon o iba. Para akong sinasakal ng mga tingin nya kahit gaano kaamo ang napakagandang mukha nya.

Trina Lucine Norcross's POV

Nakita ko ang pagbaba ng dalawa galing sasakyan. Naalala ko lang ang sinabi ni Senior Javier kanina.

Celena Dawn Cadwell is destined to be the Other Half of the Hellion.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi pero mas nangingibabaw sa ngayon ang pag aalala sa kanilang dalawa. Pag nalaman ng Leonore Committee, magkakagulo. Isang pure human si celena at isang uncontrolled hybrid si Trevor.

Maaaring isa sa kanila ang mapahamak. Pwedeng sa mga nagbabantang pumatay sa breed namin at pwede ring sa breed nila celena.

One thing i know, halos hindi lahat nakakasama ang other half nila lalo na kung magkaiba sila ng breed. Natatakot ako na baka ang mismong Hunters na pure human na katulad ni celena ang breed ang makapag ubos sa lahi namin.

Alam kong prinoprotektahan nila ang mga kabreed nila na pure human. Kaya pag nalaman ng mga hunters ang connection nila-the consequences will follow. Everything will collide even if its too strong. Everything will be lost and ruined.

Pero hindi ko pwedeng ilayo si celena kay Trevor. Maaari pa rin silang mapahamak. At kahit anong paglalayo ang gawin, they will find their Other Half. The bond between them is now sealed and fixed. Its already built in.

Bumukas ang pinto at pumasok si celena at Trevor.

"Ms. Lucine!" Bati nya.

"Good evening Celena and trevor. Where have you been?" Tanong ko.

"Theme park lang. Ginala ko lang sya. Baka mabored na kase sya rito sa mansion eh." Paliwanag ni Trevor.

"Trevor can I talk to you?" Tanong ko.
"Fine. Celena magpahinga ka na. Baka napagod ka." Sabi niya.

Tumango na lang si Celena at umakyat sa taas.

Naupo ako at si Trevor sa living room.

"Sya pala ang Other Half na nakadestined sayo." Sabi ko.

"Yeah. Sya nga. Then?" Tanong nya.

"Alam mo ang consequences nito hindi ba?" Tanong ko.

Umigting ang panga nya at napatingin ng matalim sa akin.

"Ayokong pangunahan ang consequences na maaari naming harapin pero One thing I am sure of." Sabi nya then gazed at me.

"I will keep her and I'll risk everything for her." Sabi nito.

"Hindi ka pwedeng magsalita with finality. You said, You will risk EVERYTHING for her?" I said with a worrying tone.

"Oo. I will. As in Everything." Sabi nya.

"Pati ang buhay ng marami? Ang buhay ng mga taong nakapaligid sayo? How could you? Mahal mo sya hindi ba? Pero mahal mo rin ang breed natin. So now, ano sa tingin mo ang epekto? Sino ang mapapahamak? Hah?" Pagsermon ko sa kanya.

His eye hues changed into a cold deep blue eyes.

"Alam ko yun! Dati pa. Pero alam kong protektahan kayo o ang mga mamamayan dito. Hindi pa ako handang bitawan sya. Hindi ko alam kung kaya ko ate Lucine. Alam mo kung paano ako nag iba ng mawala sya at ikaw. Ayokong may nawawala sakin. Ngayon sabihin mo sakin, kasalanan bang panghawakan ang katulad nya? Ang other Half ko?" Said He.

"Oo alam ko yun, pero isipin mo. Ang hunters. They will fight and kill us if they will know na isang pure human ang other half ng isang Hellion. Ubusan ng lahi pag tinuloy mo yan. Hindi mo ba naiintindihan yun!?" I said.

"Naiintindihan ko yun ate. Pero hindi ko naman kayo papabayaan. May tiwala ka naman sa akin hindi ba?" Sabi nya.

I nodded. "Kung ganun, magtiwala ka na kaya ko. Kaya natin lahat. Walang dapat bitawan, walang dapat mawala." Sabi nya with finality.

"I will hold on to the trust I've given you. Ingatan mo sya at ang breed natin. Ingatan mo at alagaan. Huwag mong hahayaang mapahamak." Sabi ko.

Nilapag ko ang tasa ng kape sa mesa then tumayo ako at tumayo rin sya.

I hugged him tightly and said another phrase.

"Keep her. Keep us all." Sabi ko at kumalas na sa yakap ko.

He nodded and mumbled 'I will.'

Umakyat na sya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo ng kwarto ko.

I sighed because of stress, satisfaction and relief.

Celena Dawn Cadwell's POV

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Alam kong ako ang topic nila.

Naguguluhan ako.

Ano bang nagawa ko? I can sense na may kaugnayan ito sa akin. May kaugnayan ito sa mga bagay na namamagitan sa amin ni Trevor.

Tama ba na naririto pa ako? Kailangan kong dumistansya ng sandali pero hindi naman ako papayagan ni Trevor. Maybe I should talk to someone.


Charles Hummington.

*******

THE HELLION'S CRAVES✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora