Hindi na ko kumatok at agad na binuksan ang pinto. Kagaya inaasahan, naabutan ko sila sa hindi maganda'ng eksena.

"Keifer! Don't you know how to knock?!" Inis na sabi nya sakin.

Agad na tinakpan ng babae'ng kasama nya ang sarili gamit ang kumot. Napataas ang isang kilay ko. Napaka-bata ng muka ng babae. Muka lang sya'ng 18 o mas bata pa.

"Ikaw! Hindi kaba marunong rumispeto?! Wala pang isang buwan na nailibing si Mom!" Galit na sagot ko sa kanya.

"So? She is dead. Hindi na sya mabubuhay kahit anung gawin mo!"

Yeah! She is dead because of you! Padabog kong sinara ang pinto. Nasuntok ko nalang ang pader sa sobrang inis.

Bakit ba kasi si Mom ang nawala samin? Bakit hindi nalang sya? Sobrang nakakainis! Hindi ko na kaya'ng magtiis sa kanya.

Agad akong pumunta sa kwarto ko. Naibato ko nalang ang ilan sa mga gamit ko. Bakit ba kasi sya pa ang naging Ama ko?

Napaupo ako sa sahig sa gilid ng kama. May ilang beses kong nasabunutan ang sarili ko.

Mom! I don't know what to do!

Then i remember something or should i say someone. Agad kong hinanap ang calling card na iniwan nya sakin.

Hindi naman ako nahirapan dahil sa study table ko lang yun. Mabilis kong tinawagan yung number.

["Hello?"] Sagot nya mula sa kabilang linya.

"Mr. Ryder... It's me, Keifer."

["I guess your ready."]






















I'm not fvcking ready!

Mas komplikado pa to kesa sa iniisip ko. Pakiramdam ko mababaliw ako. I'm a teenager but i feel like 30's because of this information.

"...Do you understand?" Mr. Ryder ask.

"Hmmm... Yes?"

Napabuntong hininga si Mr. Ryder. "Let's start all over again."

Kinuha nya lahat ng papel sa lamesa. Pati yung hawak ko, kinuha din nya.

Binaba nya ang isang papel sa harap ko. "This is your total asset and liabilities." Nagbaba ulit sya ng panibagong papel. "...This is the monthly earn of the Watson Enterprise. Kahit hindi ka magtrabaho, sayo pa rin ang bagsak ng kita ng kumpanya."

Naiintindihan ko na yung part na to. Kahit wala akong gawin, sakin papasok ang kita ng kumpanya.

Nagbaba na naman sya ng panibagong papel. "This is the only amount that you will recieve every month. Since you don't have the full access yet."

"Okay... Like an allowance." I said to him.

He nodded at me. "You can consider it as an allowance."

Tinignan ko yung huling papel na binaba nya. Nanlaki ang mata ko. Consider as an allowance? Joke ba to? Sinong tao ang may allowance na 200k every month?

Tinignan ko din yung kila Keigan at Keiren. Maliit yung sa kanila, siguro dahil mas bata pa sila. Pero bakit sakin din ang bagsak ng pera nila?

"Bakit po sakin parin ang punta ng pera nila?"

"Dahil nasa puder mo sila. Unless nalang balak mong ipaalaga ang mga kapatid mo sa iba, sa kanila namin ipapadala ang pera."

I understand. Marami pa sya'ng ipinaliwanag sakin. Nalaman ko din, na kahit sakin naka-pangalan ang lahat may chances pa rin na makakuha ng access yung halimaw. Lalu na sa pera nila Keigan at Keiren.

Pero hindi lang naman yun ang inaalala ko at gusto kong malaman.

"May karapatan po ba kong magpalayas sa bahay na to?"

He look at me confuse. "Yes... This house is name after you."

"Kahit sya?"

Alam nya kung sinong tinutukoy ko. Hindi na ko makakatagal na andito sya sa bahay at kasama namin. He disrespect my Mom. Wala pang 40days pero nagdala na kagad sya ng babae.

"Alam mo naman siguro na wala ka pang legal age. Under the law, kailangan mo ng gaurdian." Paliwanag nya sakin.

Alam kong sasabihin nya yan. Start from the time that i called him, i keep thinking about it.

"Panu kung sa last will ni Mom, ibinigay nya ang custody sa iba?"

"Wala yun sa last will ng Mom mo."

I look at him seriously. "Wala nga ba?"

He sit up straight and cleared his throat. "I don't like what you're thinking."

"Nowadays, everything can be fake." I said and run my hands on the paper. "...Name it after one of the trusted maid and butler of my Mom."

"Keifer... You know----"

"I know. Alam ko din na pwede tayong makasuhan." I smirked. "...But what's the use of law when you have money."

No one dare to question my Mom's death because that Monster has a lot of money. He played dirty, so am i.

"...I need to fight back. Kung hindi ko sya malabanan ng pisikalan. Dadaanin ko sa ibang paraan."

Mas makapangyarihan ang last will and testament. Kaya'ng kaya nitong baliin ang ilan sa mga batas.

Huminga ng malalim si Mr. Ryder. Alam kong alam nya ang paghihirap ni Mom. Sya lang ang pag-asa ko, sya lang ang makakatulong sakin dito.

"As you wish Mr. Watson." Sagot nya sakin.

Hindi sana ito ang paraan na gusto ko, pero kailangan. Para kay Mom at sa mga kapatid ko.






















"Kuya!" Keiren shout.

I just came home from school. I was confuse when he run toward me crying.

"What happen?"

"Si Dad! Umalis sya... Sinama nya si Keigan!"

I look at one of the maid. "Is that true?!"

"Opo... Sir. Dala po nya yung mga gamit ni Keigan." Sagot nya sakin habang nakayuko.

"At wala man lang kayong ginawa?!" Galit na tanung ko.

Nasabunutan ko nalang ang sarili ko sa sobrang galit. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Mr. Ryder.

["Keifer?"]

"Hawak nya si Keigan! Kinuha nya si Keigan sakin!" I shout out of frustration.

["Relax... Baka naman nag-out of town lang or business trip."]

"No! You don't understand. Alam na nya na wala syang makukuha sa mana! He kidnapped my brother!"

Halos maluha ako sa mga sinasabi ko. Alam kong may balak sya. Hindi pwedeng wala. Panu kung may gawin din sya kay Keigan?

["Huminga ka muna Keifer. Papunta na ko dyan."] He said and ended the call.

Tinignan ko ng masama ang mga maid at butler. "MGA WALA KAYO'NG KWENTA! UMALIS KAYO SA HARAPAN KO!"

Napatingin ako kay Keiren na umiiyak pa rin. Nilapitan ko sya at niyakap. Kailan ba sya titigil sa pagpapahirap samin?




++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon