3rd Night: Hintayin mo ako Loki!

17.8K 312 47
                                    

3rd Night:

Fenrir's POV:



Ang pangalan ko ay Fenrir. Hindi ako bampira. Isa akong taong lobo. Nag-iisa na lamang ako sa buong mundo. Naubos ang aming lahi dahil natalo kami sa isang digmaan laban sa mga bampira.


Wala naman akong galit kahit kanino. Kasi wala naman akong pakialam. Hindi ako sumali sa digmaan eh. Kung namatay man silang mga kalahi ko, sarili na nilang kagustuhan yun hindi ba?


Basta ako, kumportable akong namumuhay ngayon. Kinupkop ako ni Ymir nang matapos ang digmaan. Si Ymir ang pinuno ng lahat ng mga bampira. Siya kasi ang pinakaunang bampira na nabuhay sa mundo.


Binigyan niya ako ng kanyang dugo, na sumisimbulo sa akin bilang isa sa kanyang walong anak. Kaming walo ang pinakamalakas na nilalang sunod kay Ymir.


Sa kasalukuyan ay pito na lamang kami ngayon na nandirito sa aming tirahan na tinatawag na Asgard.


Nawawala ang bunso naming kapatid tatlumpu't dalawang taon na rin ang nagdaan.


Paborito siya ni Ymir. Paborito ko din siya. Katunayan ay paborito siya ng lahat maliban sa dalawang hunghang kong mga kapatid na makikita ko na naman maya maya. Kaya't di ko sukat akalain na isang araw ay lilisanin niya ang Asgard.


Sa pagkawala ng bunso kong kapatid, nagdamdam nang husto si Ymir; hanggang sa pinili na lamang niyang mahimlay. Magpahanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising. Wala ring nakakaalam kung kailan muling didilat ang kanyang mga mata.


Sapagkat nakahimlay si Ymir, walang tagapamagitan sa aming magkakapatid. Syempre, dahil iba ang pinanggalingan kong lahi, madalas akong pag-initan.


Gusto ko na uling makadaupang-palad si Ymir.


Marahil ay gigising siya kapag nahanap ko at naibalik na sa Asgard si Loki!


Nitong nagdaang gabi lamang ay may nasagap na sabi-sabi ang mga alaga kong lobo.


Mayroon daw nagtatatakbong bampira na putol ang dalawang kamay at parang baliw na isinisigaw na si Loki daw ang gumawa noon sa kanya!


Sa nagdaang dalawang taon, usap-usapan na nga ang pamamaslang sa lahing bampira. At marami ang nababahala sa tumataas na bilang ng mga napapaslang.


Si Loki ba talaga ang nasa likod niyon?


"Hoy ungas! Tingnan mo nga yang dinadaanan mo?!"


Umismid ako sa pinakakinaiinisan kong kapatid. Heimdall ang pangalan niya. "Tanga! Tinitingnan ko nga ang dinadaanan ko kaya hindi ko napansing nandiyan ka pala!"


Aktong bubunot ng sandata si Heimdall pero may pumigil sa kanya.


"Dun kayo mag-away sa labas wag dito!" bulyaw sa amin ng panganay naming kapatid na si Odin. Nasa likod niya ang pangalawang si Thor. Palagi silang magkasama at halos hindi mo makikita ang isa na wala ang isa.


"Odin, gusto kitang makausap." sabi ko.


Makahulugang tumingin si Odin kay Heimdall.


Nagsalubong man ang kilay niya, wala pa din siyang nagawa kundi ang umalis.


"Ano yun Fenrir?"


"May balitang kumakalat na Loki daw ang pangalan ng nilalang na pumapaslang ng mga bampira!"


"Hooh? Talaga?" nakisali sa usapan si Thor.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon