13th Night: Ikalawang Antas

11.4K 194 9
                                    

13th Night

Serenity's POV:



Umaga na pagmulat ko. Ang sarap ng tulog ko ah. Nang may bigla akong naalala—


WAAAAA LOKIIII!!


Hindi ko na naman siya naabutan! Nagpalinga linga ako sa paligid para sa mga senyales kung nagpunta nga ba siya kagabi.


Nakita ko ang mga damit panlalaki sa sahig.


Naku po!


Halos magdive ako para kunin ang mga iyon. Ano na lang ang iisipin ni yaya Mameng kapag nakita niya ang mga ito?!


Saan? Saan ko ba itatago to?


Nagbukas bukas akn ng mga tokador. Sa pinakailalim na ilalim ko isiniksik ang mga iniwang damit ni Fenrir.


Phew.


Si Loki, nagpunta ba siya rito kagabi? Nako paano na yung JS Prom ko mamaya? Ni hindi pa kami nakapag usap masyado tungkol dun!


Nagtungo ako sa may veranda at sumagap ng sariwang hangin. Kinuha ko ang sprinkler. May laman pa iyon.


"Magandang umaga mga munti kong alaga!" isa isa kong diniligan ang mga tanim kong halaman.


Napatigil ako sa maliit na paso ng Cattleya. May nakaipit na papel sa ilalin nun. Inilapag ko muna ang sprinkler at kinuha ang papel.


Ang ganda ng penmanship, dikit-dikit, maayos at malinis.


Serenity,


Patawad kung hindi tayo nagkausap kagabi. Wala nga pala akong permiso mula sa'yo. Dadalo ako mamaya sa pasayaw. Magkita tayo.


Loki.


Yiee. Kinilig ako.


Inilapit ko ang sulat sa aking puso. Ito ang una niyang sulat na ibinigay sa akin.


Tinapos ko ang pagdidilig at saka muling pumasok sa aking silid. Magpapaganda ako ng husto para sa prom mamaya.

****

Loki's POV:



Kapag ipinipikit ko ang aking mga mata, sari-saring alaala ang pumupuno sa aking isipan.


Ang masaklap pa doon, animo'y nangyayari pa rin ang mga iyon.


Inasam ko at hiniling na maibalik ang alaala ko. Noong ako ay tao.


Gusto kong maalala kung sinu sino ang mga naging kalaro ko, kung sino ang mga naging kamag-aral ko, kung sino ang mga naging kaibigan ko.


Gusto kong balik tanawin kung ano ang pinakamasayang araw ng buhay ko, kung ano ang paborito kong pagkain, at kung ano ang mga hilig ko.


Ngunit ang mga alaalang bumalik sa akin ay nagsimula pagkaahon ko sa lupa, tatlumpu't pitong taon ang nakaraan. Noong naging bampira ako.


Masalimuot ang mga naganap.


Limang taon akong nanirahan sa Asgard at pagala gala sa mundo ng mga tao kapag ako'y nababagot.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon