01: Preamble

4 0 0
                                    

INTRODUCTION



Naglakad siya patungong gitna habang nakatingin sa kanila. Walang ibang maririnig kung hindi ang bawat pagbunga ng kanilang mga hininga.

Naputol na ang tanging bagay na mayroon siya at wala na siyang lakas para magpatuloy.


"Dalawa lang ang pagpipilian mo, bata." Sabi ng isang boses sa kaniya.

"Una, kung magpapatuloy ka." Inayos ng mga ito ang kanilang mga gamit at humakbang palapit sa kaniya.


"O ang pangalawa, luluhod ka." Tuwid lamang ang kaniyang tingin at pawang wala lamang sa kaniya ang nakakatindig-balahibong tono ng boses nito.


At kung pipili man siya, wala ring mangyayari dahil siguradong may kailangang maglaho.

Tumingin siya sa labas at pinagmasdan sila habang nakaupo sa mga sirang bangko. Ibinalik niya ulit ang tingin sa mga kaharap niya.


Desidido na siya sa kaniyang pasya. Kung kailangang may mawala-


"Ako lang dapat." Hanggang sa unti-unting lumuhod ang kaniyang binti at kasabay ng pagtingin niya sa kaniyang harap ay ang siyang pagputok ng isang bagay na hindi niya nanaising tumagos kanino man.




END

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost SanityWhere stories live. Discover now