Takot

138 6 1
                                    


Naranasanan mo na bang maging masaya?

Na may halong lungkot at pag iisa kahit may kasama ka ng iba?

Hindi dahil sa wala kang nararamdamang espesyal sa kanya

Kundi dahil natatakot kang baka masaktan mo din siya.

Dahil minsan ka na ring may nasirang puso, pinaasa sa mga pangakong napako.

At ngayo'y puro takot na ang nasa isip mo't puso

Hanggang sa tinanggap mo na lang sa sarili mong mali ka't gago.

Ngunit heto na nga't dumating siya't may nagbago.

Natutunan mong patawarin ang sarili mo.

Isang bagay na akala mo hindi mo magagawa

At yun ay ang buksan muli ang pusong nagsara dahil nagsawa.

Pero alam kong mararanasan mo ulit ang malungkot

Dahil matatakot ka uli't magtatanong, magtataka't malilito

Sa kung paano ba dapat ang gawin para maging tuluyang masaya

Para masabing 'Siya na talaga' at 'Hindi na ako hahanap ng iba.'

Kasi minsan mo na ring nasabi ang mga katagang yan.

Minsan ka na ring nakaramdam ng kasiguraduhan

Pero nandito ka't nakatingin sa kawalan

Nag iisip tila nahihibang

Pumapatak ang luha at nasasaktan

Nawawalan ng pag asa at unti unting nawawalan ng pakiramdam.

Ang SAKIT na dulot ni MADAYAWhere stories live. Discover now