GL 5- I Will Protect Her

Começar do início
                                    

"You alright? You re red.Baka nahawaan ka ng sakit ko."

"You are kidding me? I'm a ghost." Aniya.

Natawa tuloy ako,pero napatigil dahil seryoso ang mukha niya.

"What's wrong? Napagod ka ba? Magpahinga ka na muna." Kako dahil parang may kakaiba sa titig niya.

"I'm fine. You should be the one to rest, hindi ka pa masyadong magaling. I'll be watching you." Aniya ayos ang kumot ko.

Ramdam kong may iniinda si Reeze na kung ano at ayaw niyang sabihin saakin.

"Is anything bothering you. Tell me. Let me help." Kako pigil ang braso niya nung akma siyang umalis.

"No , nothing, not at all."

"You don't have to take care of me Reeze, kung may gusto kang gawin o may nais kang puntahan,pwede mo akong iwanan. Kaya ko ang sarili ko." Kako at nginitian siya.

"Sabi mo maari akong tumira dito kasama mo,alam mo namang wala akong mapupuntahan. Pero bakit parang gusto mo akong paalisin?" Malungkot na utal niya.

"Hindi naman sa ganun,ang akin lang,baka may gusto kang puntahan. Sabi ko naman sayong dito ka muna. As long as you want to until you can pass to the after life you can stay here with me, but you don't have to bother yourself taking care of me. Ang gusto ko, gawin mo ang mga dapat mong gawin para makatawid na." Kako at humiga na.

Tumabi si Reeze saakin at hinawakan ang kamay ko.

"I don't know why you are so nice to me Anne,but it makes me very happy." Aniya at hinarap ako.

Ang lapit ng mukha niya. Mas gwapo pala siya sa malapitan.

"You are a kind and nice person too Reeze, I know."

"No I'm not, but you , you are nice,kind,sweet and above all cute. I like you Lianne." Deretsong utal niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"I... I like you too. Of..ofcourse." Kako at iniwas ang nagiinit kong mukha.

"Liane, can I kiss you?" Tanung niya kaya nanigas ang katawan ko.

Mas nagulat ako nung bumangon siya at pinigil ang balikat ko.

Nilapit niya ang mukha saakin.

Is he going to kiss me?

His eyes, when I look at them my heart starts beating fast.

My heart feels so warm.

He is a ghost for heaven sake,why I'm feeling this way towards him?

Pinigilan ko ang paghinga.

Hinihintay ko siyang halikan ako pero di niya ginawa.

Biglang bumukas ang pintuan ng silid ko at pumasok si Kesha at Axel galing doon.

"HAPPY BIRTHDAY LIANE!" Sigaw nina Kesha at ang boyfriend niya na pinsan kong si Axel.

My birthday?

Umalis si Reeze sa kama at naglakad palabas.

"Liane, saan ka nakatingin?" Puna ni Kesha saakin.

"Ah wala wala naman. Nasurpresa naman ako sainyo!" Kako at bumangon.

Medyo ok na ang pakiramdam ko. Tumalab yung ininom kong gamot kanina.

"Nakalimutan mo na bang birthday mo? Anong plano mo?" Tanung ni Axel.

"Plano?"

"Oo plano mo ngayong birthday mo!" Ani Kesha lapag ang cake at mga dala nilang pagkain at inumin.

"Ah siguro bisitahin ko na lang si Daddy."

"Tama, samahan ka namin ni Kesha, but before that, kumain na muna tayo." Ani Axel tanggal ang kumot sa katawan ko.

"Bihis lang ako guys." Kako at tumayo na para magbihis.

Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Reeze nakaupo sa may bench ng garden kasama ang nakakapang nilalalang.

Sino yang kasama ni Reeze?

"Lianne, bilisan mo na para makakain?" Tawag ni Kesha.

"Coming." Sagot ko at nagsuot na ng jacket.

May nakakakita narin ba kay Reeze bukod saakin?

..

(Reeze pov)

"Bakit ka nandito? Akala ko ba ipaubaya mo na saakin ang kaluluwa niya?" Puna ko sa reaper.

"Dahil di pa ako makakabalik sa Moon Palace hanggat di ko pa natatapos ang misyon kong kunin ang kaluluwa ng babaeng nasa loob ng bahay na to." Aniya.

"Kailangan ko ang kaluluwa niya para makatawid." Kako umupo sa bench.

Tumabi ang reaper saakin.

"Alam ko. Ako pala si Yuni, isa din akong Wandering Soul noon kagaya mo bago ako naging reaper." Ani Yuni.

"Ako si Reeze. Salamat sa pagpaliban mo sa pagkuha ng kaluluwa ni Liane."

"So Liane ang pangalan niya. Alam kong kailangan mo talaga ang kaluluwa niya. Naranasan ko na rin itong dinadanas mo ngayon. Nangailangan din ako nang kaluluwa para makatawid noon,dahil na late din ako, nung nahanap ko na ang kaluluwang gawin exchange sa kaluluwa ko, di ko napatay ang nagmamayari ng kaluluwang yun,dahil napalapit siya ng husto saakin kaya di ko siya kayang patayin ,hanggang sa namatay siya sa aksedente at napunta sa kung saan ang kaluluwa niya. Hanggang ngayon hinahanap ko parin ang kaluluwa ng lalaking yun. Katulad ko, di mo rin kayang saktan o patayin si Liane. Pero kailangan ko siyang patayin." Mahabang kwento ni Yuni.

"Alam mong di kita hahayaang patayin siya!"

"Pero manganganib ako kung di ko kukunin ang kaluluwa niya. I have to kill her and collect her soul no matter how you resist to it!" Ani Yuni.

Alam kong may mga dahilan din si Yuni para kunin ang kaluluwa ni Liane, pero di ko hahayaang saktan o patayin niya si Liane.

Hindi, at hindi ko rin siya papatayin, hahanap na lang ako ng ibang paraan para makatawid. Hinding hindi ko kailan man iaalay ang kaluluwa ni Liane at pipigilan ko sa abot ng makakaya ko si Yuni!

.....To be continue....

Vote/Comment kung iuupdate ko pa ba.

>.

Ghost Love(Ticket To After Life)Onde histórias criam vida. Descubra agora