GL 1-My Death

1.1K 46 4
                                    

(Reeze POV)

"Bye Mom." Halik ko sa pisngi ni Mommy habang sinusuot ang jacket.

"Umuwi ka agad Reeze,marami pa tayong gagawin sa garden mamaya." Ani Dad hawak ang kanyang tasa ng kape.

"Sige Dad,pwede ka na ring magsimula dun ako na bahala sa greenhouse at mga upuuan ng garden." Kako at kumaway kaway na paatras na lumabas.

Nahagip pa ng tingin ko si Reene,bunso kong kapatid hilod ang mata pababa ng hagdan.

"Ingat ka Reeze." Tawag ni Mommy.

"Opo opo." Kako habang suot ang sapatos.

"Saan punta nun?" Rinig kong tanung ni Reene kay Mom. Ako ang tinutukoy.

"Bibili ng karagdagang halaman." Sagot ni Mom kay Reene.

Ako ang katulong ng kuya kong si Reele sa aming appliances business ang Diamond Line.

Di ako pumasok sa opisina ngayon. Dahil sa hiling ni mom na ayusin namin ang garden, di na kasi naalagaan ang mga halaman doon simula nung namatay sa aksidente ang hardeniro namin.

Mahal ni Mom ang garden dahil dito lang siya palagi nagpapahinga pagkatapos niyang uminom ng gamot.

May sakit si Mom kaya di siya pwedeng nasa labas,ang garden lang ang pasyalan niya.

Lalabas ako ngayon para bumili ng karagdagan halaman at bulaklak para ipalit sa mga patay na na halaman at bulaklak sa greenhouse.

Sumakay na ako sa pickup namin at nagdrive na papunta sa malapit na tindahan ng mga halaman at bulaklak.

Palabas na ako ng kanto at paliko na ng nakita ko ang humaharorot na malaking truck.

Ang bilis ng pangyayari!!!

Sa isang iglap,binangga ako at inararo papunta sa bangin at pagulong gulong ang pickup nadala ko pababa hanggang sa nahulog ako galing sa pickup,nuntog at nasabit sa bato.

Ang sakit ng buong katawan ko at lalo na yung ulo ko. Madilim at wala akong naririnig.

Di ako makahinga at ang sakit sakit.

Nakita ko pa ang dumungaw sa bangin ang driver ng truck na umararo sakin kanina.

Pula na ang paningin ko at di ko maigalaw ang mga kamay ko.

"Teka ....san...dali ....lang ." Tawag ko sa bumangga saakin. Di man lang ako nilingon.

Maya maya pa tumakbo na ang driver ng truck pabalik ng truck niya at pinaharorot na ito paalis. Talagang tatakasan niya ako ha.

Haist,papahanap kita.

...

Ang sakit!!! Subrang sakit.

Maya maya pa may narinig akong mga ingay galing sa taas ng bangin.

Nakita ko ang unti unting pagrami ng mga tao.

Ang sakit ng buong katawan ko.

Nagpasya akong tumayo, bigla na lang nawala ang sakit nung tumayo ako at umakyat papuntang kalsada.

As in wala na talaga akong maramdamang sakit.

Tsk,di siguro malala ang tama ko.

"Bilis tulungan natin." Rinig kong hiyawan ng mga tao.

"Nah no need, I'm fine." Kako pero mukhang wala silang narinig.

Dumungaw ako sa bangin para tingnan ang pickup ko.

"Buhay pa ba?" Tanung nung isang tao.

"Malapit na to. Paubos na kasi ang dugo,kung sana naagapan agad at naitaas ang ulo niya,malaki pa ang tsansya niyang mabuha sana." Sagot nung isa.

Ghost Love(Ticket To After Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon