Preview

1.2K 45 7
                                    

Si Liane ay magisang naninirahan sa isang apartment. May maayos na trabaho at masayang buhay.

Isang araw paisa isang namatay ang mga kamaganak niya, una ang kuya niya, namatay ito dahil kusang nagpasagasa ng train. Pangalawa ang Mom niya na tumalon sa building, pangatlo ang bunso niyang kapatid na bumaba galing sa tumatakbo pang taxi kaya si Daddy niya na lang ang natira na halos baliw na.

Misteryo sa kanya ang pakamatay ng mom, kuya at bunso nila dahil wala sa lahi nila ang suicidal.

Isang araw may isang gwapong lalaki bigla na lang pumasok sa apartment niya at umarteng may ari ng apartment niya.

Nagulat ang lalaki dahil nakikita siya ni Liane dahil matagal na siyang patay! Nung una di pa naniwala si Liane na multo si Reeze pero pinatunayan ito ni Reeze.

Bakit nakikita niya ang multong si Reeze?
Akala niya patay na siya kaya nakikita niya si Reeze, pero buhay pa siya.

Napilitan siyang patirahin kasama niya si Reeze at palagi niyang nahuhuling tinititigan siya ng mga malungkot na mga mata nito. Nung una naawa lang siya kay Reeze dahil siguro malungkot ito dahil di makatawid sa ibang mundo. Nangako siyang tulungan ito para makatawid na sa mundo ng mga patay,  pero unti unting nahuhulog ang loob niya kay Reeze kahit alam niyang multo na lang ito.

Paano kung ang Dad niya ang dahilan kung bakit namatay si Reeze? Paano kung malaman niya ang pakay ni Reeze sakanya?Paano kung si Reeze ang dahilan kung bakit namatay ang mga kapamilya niya? Paano kung isa siya sa dahilan kung bakit di pa makatawid si Reeze? Paano kung mahal niya na si Reeze? Willing kaya siyang hayaan si Reeze na umalis at manahimik sa kabilang buhay o mamatay para makasama si Reeze?

>2017<

Ghost Revenge

Patawad po sa maraming wrong grammar, errors, mismarks, misspelled words at maraming mali. Tamad kasi akong magedit.

Salamat sa susuporta ng story na to.

>To God Be The Glory<

Ghost Love(Ticket To After Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon