GL 4-Her Soul

705 28 7
                                    

(Reeze pov)

Nakatingin lang ako kay Liane habang naggugupit,nagdidilig at nagtatanim ito nang halaman.

Day off niya ngayon kaya dito lang siya sa bahay kasama ako.

She is cute and innocent.

Parang nasanay na siya na kasama ako pero minsan nakikita kong natatakot rin siya saakin.

Well,ikaw ba naman ang nakatira sa isang bahay kasama ang isang multo.

I want to see her more. I am really interested in her. Her actions were sweet and cute.

She's gotten into various pain this year. Kung alam ko lang sana na ina at kapatid niya yun,sana hindi ko na sila pinatay.

Now I feel so sorry for what I did to her family.

"Reeze, sasama ka ba saakin? Mamamasyal akong Crystal Park pagkatapos ko dito." Tawag ni Liane.

"Ok lang ba?"

"Oo naman,sabi ko naman sayong ako ang bahala sayo habang di ka pa nakakatawid diba?" Aniya at humakbang papalapit saakin.

Napangiti ako sa sinabi niya. Atleast di ako nagiisa dahil sakanya.

Pinitas ko ang magandang puting rosas sa tabi ko.

"Para sayo." Abot ko kay Liane ng bulaklak.

"Salamat... sweet mo... Bihis lang ako." Aniya tanggap ang bulaklak at pumasok na.

.......

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanung ni Liane puna ang kapang suot ko.

Palabas na kami ng bahay at naglakad papunta sa Crystal Park.

"Bakit? Bagay to saakin. Multo ako eh." Ngiting sagot ko.

"Mas mukha kang si batman niyan eh."

Tumawa si Liane kaya pinigil ko siya.

"Ano ka ba? Wag kang tawa ng tawa. Baka mapagkamalan kang baliw. Ikaw lang ang nakakakita saakin. Wag mo yang kalimutan." Kako.

"Oo nga noh.... Ganito na lang. Lumayo ka saakin ng konti, di ko kasi kayang di ka kausapin. Mapagkamalan akong baliw kapag usap ng usap ako sayo ,kaya layo layo tayo." Aniya at humakbang na.

Sinusundan ko na lang siya sampong dipa kalayo.

Lumapit ito sa bridge at pinakain ang mga isda sa ilalim ng tulay sa gilid ng kalsada.

"Siya, siya ang kailangan mo para makatawid na. You have to collect her soul now. Come on. Itulak mo siya sa lawa." Ani Hedicus na bigla lang sumulpot,turo si Liane.

"What?"

"Patayin mo na siya para makatawid ka na. Sinubaybayan kita at ang babaeng yan, kita ko na nakikita ka niya at nahahawakan. Siya ang susi para sayo." Ani Hedicus.

Tama siya.

Kung itutulak ko si Liane, mahuhulog siya papunta sa malaking lawa at malulunod.

Humakbang ako.

Nanginginig ang buong katawan ko.

Nakita kong sumampa sa railings ng tulay si Liane kaya tumakbo ako para pigilan siya.

"Anong ginagawa mo!? Magpapakamatay ka ba?" Tanung ko hila siya sabay kamay gumulong.

"Ano? Hindi ah. May nakita kasi akong tuta na naaanod kaya kailangan kong sagipin." Aniya.

"Marunong ka bang lumangoy?"

"Hindi."

"Hindi ka marunong lumangoy tapos tatalon ka sa isang lawa para sagipin ang isang tuta? Naiisip ka ba? Maari kang malunod at mamatay sa gagawin mo!" Kako.

Ghost Love(Ticket To After Life)Where stories live. Discover now