ELEVEN

34.6K 1.2K 39
                                    

Got Away


Hindi ko alam kung ano ang aking dapat maramdaman nang lumapat ang kanyang mga labi sa akin. I felt cold and hot at the same time. My lips were firmly pressed together. Suddenly, I felt like it was my first time to be kissed by a man and that I had no idea what to do or how to respond. Pero ang aking matinong kaisipan ay nagsusumigaw ng babala. Huwag kang bumigay, Veronica. Alalalahin mong aalis ka rin sa lugar na ito sa malao't madali. Ayaw mo naman sigurong umasa sa isang relasyon na walang katiyakan.

"You're not opening your mouth, sweetheart."

My eyes were still shut but I could sense the humor in his voice. Naramdaman ko ang ang pagdiin ng kanyang paghapit sa aking baywang.

I don't know what is wrong with me but I couldn't move. I felt like was paralyzed.

"Ofcourse this isn't your first time to be kissed by someone, is it?" May panunuya akong nahimigan sa boses nito.

Umiiling ako habang ang mga mata ay nakapikit pa rin. I can't look him in the eye. He then sighed.

"Open your eyes, Veronica." he commanded and did what I was told. Binuksan ko ang aking mata at nagsalubong ang aming titig. His brows furrowed and his eyes were narrowed like he was pissed. No, he's not pissed. He's angry.

"Oh, would you look at those eyes. Those eyes that fooled me. I hate to think that while I am kissing you, ibang lalake ang nasa isip mo."

Napamaang ako sa kanyang binigkas. My eyes grew wide. Tama ba ang pagkarinig ko? "Excuse me?!"

He hissed at nag-igting ang kanyang bagang.

"Naloko na naman ako ng isang katulad mo. Your eyes are screaming innocence at nawala ako dun. Nakalimutan ko kung anong klaseng mundo ang pinaggalingan mo. You are very good in playing innocent and naive, dela Vega." He smirked.

Nagpanting ang tainga ko at sinuntok ko ang kanyang dibdib at tinulak ito. "Ako pa talaga, Chris? Sino ba sa ating dalawa ang naglalaro dito? Ako ba? Why? What did I do? Sino ba ang nang-aakit? Ako ba? You are the one who's playing with me, damn you! Hindi ko alam kung sino ka at ano ba talaga ang ugali mo. You were kind at me, then next minute you were mad. And then, you speak as if you liked me! And here you are again mocking and judging me as if you know me since time immemorial! You are giving me a roller-coaster emotions, Chris! And to think we hardly know each other! At hinuhusgahan mo na ako ngayon? So what if I kissed countless men, does it bother you? How about you? Itatanong ko rin ba kung ilang babae na ang hinalikan mo?"

He frustatingly combed his hair with his fingers at hinaklit ang aking baywang sa gulat ko. "That's my problem, Veronica. Pakiramdam ko ay kilalang kilala kita. Naiinis ako dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang init na naggagaling sa katawan mo."

Marahang pinadausdos nito ang daliri mula sa aking balikat hanggang sa aking kamay. "The smoothness of your skin....." bumaba ang mukha nito sa aking leeg. "........the scent of your body." he inhaled deeply. At pagkatapos ay lumipat ang kanyang mukha sa tuktok ng aking ulo. "......the softness of your hair.....they are all familiar to me. At alam mo kung ano ang mas kinaiinis ko? Naiinis ako dahil kung pamilyar ka sa akin, sinisiguro kong hindi kita pakakawalan. If I've met you years ago, hindi sana masakit sariwain ang nakaraan ko."

"But then, imposible pa rin. Dahil kahit kailan, hindi hahalik ang langit sa lupa. Ang lupa ay mananatili lamang nakatingala para pagmasdan ang ganda ng kalangitan." Matalinghaga pa nitong pahayag na mas lalong ikinakunot ng aking noo.

"Masyado kang malalim, Chris....hindi kita maintindihan."

"Tama ka, Veronica. Hindi mo pa nga ako kilala. I have many secrets in my life, sweetheart. Mga sekreto na hindi kayang sikmurain ng isang prinsesang kagaya mo. At wala rin naman akong balak na ibahagi iyon sa'yo. Ipagpaumanhin mo ang pagiging magaspang ko at pagiging mapangahas sa'yo. Please, habang may natitira pang katinuan sa aking isipan at habang kaya ko pang magpigil, umakyat ka na sa silid mo at ako na ang bahala dito sa kusina."

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon