SEVEN

35.5K 1.1K 73
                                    

Bastard





Hindi kalakihan ang kanilang banyo pero malinis at mabango ito. Puting tiles ang wall at dark blue  naman ang kulay ng ceramic floor tiles. The bathroom was made simply kaya hindi na ako nagulat na walang bathtub. I sighed in relief when I found a shower. Thank God. HIndi ko kailangan gumamit ng timba at tabo na nasa pinakasulok. I never tried taking a shower using those. But using it for the first time won't hurt, anyway.

Nang mai-lock ko ang pintuan ay naghubad agad ako ng damit. Nilapag ko ang malinis na damitan at ang bath towel na bigay ng antipatikong lalakeng yun sa ibabaw ng sink. Tinitigan ko muna iyon. Seryoso ba talaga ang lalakeng iyon na suotin ko ang mga ito?  But I guess I have no choice.

Sinulyapan ko pa ng isang beses ang mga iyon bago tuluyang maghubad ng aking undies. Siguro naman ay may washing machine sa bahay na'to? Pwede akong maglaba mamaya pagkatapos makapag-hapunan.

Ininda ko ang lamig ng tubig habang naliligo.  Again, hindi na nakakapagtaka na wala ring heater dito. Sa sobrang kasimplehan ng bahay na ito ay hindi na ako magugulat kung sobrang layo nito sa nakasanayan ko. But this house is too big for two people. O baka sadyang simple lang talaga ang lifestyle ng mga tao dito. I am not judging them or anything; I am just stating my point of view.

At kahit hindi ko gusto ang brand ng shampoo at conditioner, pati na rin ng sabon  ay nakigamit na rin ako. Mainam na ang mayroon kesa sa wala. At pakiwari ko'y ang dumi dumi na rin ng buhok ko. Tadtad tyak ito ng alikabok mula pa kanina sa biyahe. This is what I get from insisting to commute when we have luxury cars available. Pinilig ko ang ulo ko. It happened already. Self-blaming is now pointless.

I wanted to tak my time taking a shower pero maalala kong maliligo din pala ang antipatikong lalakeng yun. Ayokong umabot sa punto na mangatok at sitahin ako nito. Agaran din ang aking pagpapatuyo sa sarili. Ngumuso ako nang kinuha ko ang over-sized T-shirt ng Christopher na iyon. Umabot ang laylayan ng tshirt hanggang sa gitna ng aking hita. Gusto kong magmura nang dahan-dahan kong sinuot ang boxer briefs. Hindi naman ako nandidiri kaya lang kakaiba ang pakiramdam ko. It feels so.......intimate......at hindi dapat ganito.

But I am a Queen of deadma so I won't make an issue out of it anymore. Ang mahalaga ay may maisuot ako kahit ngayong gabi. Sigurado naman ako na matutuyo na ang mga damit ko bukas na sinampay ko malapit sa bintana. The wind will make them dry. Bukas ay may maisusuot na rin akong matino.

Nang makapagbihis ay binalot ko ng tuwalya ang aking may kahabaang buhok. I gathered all my used clothes at binuksan ko na ang bathroom door. The shower helped to take away the stress I had. I feel sleepy so I decided to take a nap kahit ilang minutes lang.

But I was startled when I saw the arrogant man leaning against the wall while both his arms were fold firmly on his chest. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. And there goes his naughty eyes again. Damn it.

He sighed heavily. "Wow. My clothes look good on you, sweetheart. But I am more curious what's behind those clothes of mine."  He grinned naughtily.

My cheeks burned instantly. "Alam kong hindi ako bisita dito, pero wag mo akong bastusin." and gave him a deadly look.

"I thought I was giving you a compliment."  His smile turned lopsided. I rolled my eyes. Compliment, my ass.

He stood straight. I saw a pile of clothes neatly folded on his side. At mayroon ding twalya. He's going to take a shower now, I see. He was looking at me intently and suddenly the atmosphere changed into something heavy.

Nagkibit-balikat lang ako and tried my best not to meet his piercing brown eyes. Nilagpasan ko siya at mabilis na pumasok sa kwartong nakalaan sa akin. Sumandal ako doon at saka pa lang nakahinga ng malalim. What the hell? Ano bang nangyayari sa akin? Why the beating of my heart is becoming abnormal all of a sudden?

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon