Seriously, Nate?!

 

Parang bumaliktad ang sikmura ko ng maramdaman ko na paggalaw ng mga labi niya. Kusang kumapit ang mga kamay ko sa leeg niya dahilan para mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Dammit, Nate!

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagmura sa simpleng halik na ‘yun. Jeez! Oo! Simpleng halik ‘because there were no tongues involved!

“B-babe.” Lumayo ako ng kaunti pero hinuli na naman niya ang mga labi ko. Hoy, Nate! Presidente ka! Wa’g kang PDA! Yan ang pilit na kumakawala sa isipan ko pero kahit na gusto na itong sabihin ay hindi ko magawa. Nakakainis! Bakit ang galing niya sa ganito? Ang galing galing niyang magpawala ng katinoan!

“Damn.” He said between our kiss. Umakyat ang dalawang kamay ko sa ulo niya at mas ginulo ang magulo gulong buhok nito. Napasinghap ako ng kurutin niya ang tagiliran ko. Dahil sa simpleng singhap na iyon, I can literally feel his tongue now!

Yung sistema kong parang nagba-backflip? Talagang nag-backflip na especially when his lips touched my ear and neck. Darn! Sabi ng kasabihan, those were the most sensitive parts that women mostly love. Pero hindi ako naniniwala noon pero ngayon? The hell! Lahat ata sensitibo ‘pag si Nate na ang gumagawa!

“We should stop.” Bulong niya pa at bumitaw sa halikan namin. BITIN! LOL! Ngumuso nalang ako para itago ang ngisi sa mga labi ko. “Ang pula ng pisngi mo.” Hinampas ko agad siya sa braso, tumawa lang ito. Nanunukso pa eh! Kainis! Wala talaga akong kawala pagdating sa kanya. When it comes to Nate, I feel like I’m the most transparent person in the world! Grr. Wala akong emosyon na kayang itago sa kanya.

NAKANGUSO lang ako habang nasa loob ng sasakyan niya. Niyakap ko pa ang sarili ko ng bumuga ng napakalamig na hangin ang aircon ng kotse niya.

“Sorry.” Nakangisi niyang sabi at pinatay ang aircon. Hindi ko alam pero nahihiya ako sa mga ginagawa niya! Umirap lang ako. Ang sarap suntokin! Ang lakas niya kasing mang-alaska!

Bago niya pinaandar ang sasakyan niya, may kung anong kinuha siya sa likod ng kotse. Napangiti ako ng abotan niya ako ng jacket. Mas lalo pa akong napangisi ng siya mismo ang nagpasuot sa akin nito. Napaka-gentleman talaga. Napailing nalang ako at umiwas ng tingin.

“San ta’yo?” Napatanong na ako kasi hindi naman ito ang daan pauwi ng bahay. Lumingon ako sa kanya nang hindi niya ako sinagot.

“Tss. I can’t let you go home with that kind of look, Kareeza.” Natawa nalang ako nang makita ko siyang umirap. Napaka-bipolar talaga ng taong ‘to.

“Okay? So saan tayo?” Tanong ko ulit.

“Sa condo ko.” Tipid niyang sagot.

Ngumisi ako sa kanya. “Dala me foods?” Humagalpak ako sa tawa dahil sa biro ko. Natigil lang ako nang tiningnan niya ako na para bang hindi niya nakuha ang joke ko. Oh-kay? Hindi niya talaga na-gets! Jusme, nakakahiya!

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now