Open Arms - 10

965 37 13
                                    

Natigilan si Sehun, nanlaki ang mata n'ya, gusto n'ya sanang magsalita, pero halos wala na s'yang boses "B-buntis...?" ika n'ya.

Tumango si Mars. "Oo, kaya bumalik k-ka n-na...please".

--

Noong araw na sabihin ni Mars na si Sehun ang ama ng dinadala ni Sehun, nasa gilid lamang si Luhan.

Nabitawan ni Luhan ang mga hawak n'yang plato.

Napapikit si Luhan sa sobrang sakit.

Niyakap ni Sehun mula sa likod si Luhan "Lu...Han..." ngunit tinanggal ni Luhan ang mga kamay ni Sehun.

Simula noon, hindi na sila nag-usap pa.

Kasalukuyang nandito si Sehun sa patahian ng mga susuotin para sa kasal n'ya. Hindi nya alam pero something inside him is telling him to stop this; his heart. Pero meron ding part nagsasabing tama lang 'to, he chose what's best for the three of them; his mind. 

--

"Ladies and gentlemen we are gathered here today to witness the holy matrimony of Sehun Oh and Marceline Keong"

Luhan...

Nakatingin si Sehun sa malayo, sa pintuan ng simbahan, waiting for someone to enter, waiting for Luhan to enter.

Nung tinanong ng pari kung may gustong magobject, pinilit nyang ipasok sa isip nya na "...pupunta si Luhan, pupunta sya...papasok sya dyan, aalis kami dito..." sounded cheesy pero totoo nyang hinihiling yon, na sana ganon nga ang mangyari.

"Do you, Marceline Keong, take Sehun Oh as your lawfully wedded husband?"

"I do"

"And you, Sehun Oh, take Marceline Keong as your lawfully wedded wife?"

Eto na yung tanong na kinatatakutan nya, yung tanong na alam nya yung tamang sagot, pero hindi nya kayang sagutin, nakatingin lang sya sa pintuan.

Luhan... ano ba... bukas na bukas yung pintuan...

Wala syang pakialam kung lahat ng tao sa paligid nya ay magbulungbulungan, basta sya iniintay nya si Luhan, iniintay nya na pumasok sya sa loob, isama sya palabas ng simbahan, at tumakbo silang dalawa malayo dito, malayo sa lahat ng tao, papunta sa lugar na silang dalawa lang.

Tinignan nya si Mars, nakatingin ito sa baba, halos maiyak na.

Di nya na kaya, gusto nya ng unalis.

I'm sorry,






"I do"









Luhan...

Open Arms {hunhan}Where stories live. Discover now