Open Arms - 1

1.9K 52 9
                                    

hi~! so first HunHan fanfic ko 'to kaya chenes chenes lang ng utak ko 'to, na-inspire ako sa 10080 ng ChanBaek e T.T , pero hindi ko intension na i-plagiarize yung gawa nung author nung fanfic na yun, na-inspire nga lang diba ? -_- anyways, here you go~

Formerly "Back For Good"

---------------------------------

"Ano ba Sese, ang torpe torpe mo! Tss" sabi ni Chanyeol kay Sehun, meron kasing gusto si Sehun sa isa sa mga schoolmates n'ya, pero nahihiya s'yang sabihin 'to. Ngayon n'ya napag-desisyonan na lapitan yung 'crush' n'ya, pero mukhang umiral nanaman ang ka-torpehan n'ya.

Si Oh Sehun mato-torpe? sabi nito sa sarili, kaya naman tumayo s'ya sa kinauupuan n'ya, at tinanaw yung 'crush' nya.

At ayun nga, nandun s'ya naka-upo, tumatawa habang kausap yung mga kaibigan n'ya.

Lumapit s'ya agad sa kina-uupuan ng 'crush' n'ya.

Nagulat ang mga tao na naka-upo don dahil bigla n'yang hinila sa braso yung 'crush' n'ya.

"Hoy! Bitiwan mo nga 'ko! Ano ba!" reklamo nito.

Tumigil sila sa tapat ng isang puno.

"Hyung..." sabi ni Sehun...

Oo, HYUNG... HYUNG AS IN KUYA

"G-gusto kita" sabi n'ya, tumingin s'ya rito.

Hindi maka-paniwala ang sinabihan ni Sehun,

"Luhan Hyung..." sabi ni Sehun

Bigla naman ngumiti si Luhan...

"Pano ba yan, gusto din kita e" sabi nito

Napa-ngiti si Sehun sa sinabi ni Luhan, tapos niyakap n'ya ito ng mahigpit.

Ayun, happily ever after na si Mokong at ang Boyfriend n'ya" pag-kukwento ni Chanyeol kay Kai.

"Naku, inggit ka lang kasi!" sabi ni Sehun, tapos bigla n'yang niyakap si Luhan

"Letche! Kayong dalawa wag nga kayong PDA!" sabi ni Kai "May kwarto oh!"

Tumawa silang lahat.

Ilang taon na ang lumipas nung nang-yari ang ligawan na 'yon, kaya nung pag-graduate nila ng highschool, napag-pasiyahan nilang dalawa na mag-migrate sa America at dun tumira.

May trabaho na silang dalawa, si Sehun isang Teacher, at si Luhan naman, isang accountant sa bangko.

Hindi maganda ang umpisa nila sa lugar na pinuntahan nila, syempre nandun ang mapang-husgang mata ng lipunan, pero nasanayan naman na silang dalawa dun.

Masaya sila, as in MASAYA. Yung tipong kahit wala na silang makain, basta mag-kasama sila, okay na.

Nangyari na 'yon dati ng mawalan ng trabaho si Luhan at si Sehun naman ay na-delay ang sahod, buong mag-damag lang silang mag-kayakap, walang kainan, pero masaya pa'rin sila.

Sweet ba? Di ba kapani-paniwala?

Mahal kasi nila ang isa't-isa.

"Kelan kasal?" tanong ni Kai

Nag-katiginan lang silang dalawa.

Oo nga, halos apat na taon na silang nagsasama pero hindi pa nila naisipan yung bagay na iyon.

Nang umuwi si Chanyeol, Kai at iba pang mga kabarkada nila...

Tumigil sa pag-sulat ng lesson plan si Sehun "Luhan..." sabi n'ya

"Bakit?" sigaw ni Luhan mula sa kusina.

Tumayo si Sehun at pinuntahan si Luhan sa kusina

"Luhan..." sabi ni Sehun habang akap-akap ang likuran ng kanyang boyfriend
"Bakit nanaman Sehun?" tanong ni Luhan

Tumawa lang si Sehun at ipinatong ang ulo n'ya kay Luhan.

Maya-maya, nagsalita si Sehun.

"Napag-isipan ko yung sinabi ni Kai..."

Humarap sa kanya si Luhan...

Nag-buntong hininga si Sehun, "Oo, alam ko, mag-ipon muna, pero Luhan , 4 years na tayong magka-sama sa isang bahay, dapat na din siguro tayong mag-pakasal diba?"

Ngumiti si Luhan at kinurot ang pisngi ni Sehun..

"Ikaw talaga, alam mo namang mahal na mahal kita e.."

Ngumiti si Sehun, "Ibig sabihin ba non..."



Tumango si Luhan.




Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ni Sehun.




Sa wakas...



Hinalikan ni Sehun si Luhan,


Isang halik na punong-puno ng pagmamahal.

Open Arms {hunhan}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon