Open Arms - 6

1.2K 42 5
                                    

"Text" - Diarogue

"Text" - flesh baek

"Text" - flesh baek diarogue

P.S : Manly LuLu ahead :3

------------------------

"Hindi ba parang ang unfair?! Pu-putang I-ina! Ano?! Da-*hik*dahil ba la..la..lalaki din a-ako? *hik* ha?! Dahil ba *hik* di k-ko s'ya kayang bi*hik*bigyan ng anak?!" sigaw ni Luhan sabay inom ng isang bote ng beer na hawak-hawak n'ya. Kasama n'ya si Yoona sa isang bar at naisipan n'yang maglasing dahil sa mga nangyari kagabi sa pagitan nila ni Sehun.

"Alam mo, Yoona" sabi ni Luhan at nilagay n'ya ang dalawang kamay n'ya sa magkabilang braso ni Yoona "Mahal na mahal na mahal na mahaaaaal ko si Sehun" tumulo ang luha ni Luhan "Ako ba, Yoona, minahal n'ya din ba ako?" tumingin sa gilid si Luhan at tumawa ng mahina, ngunit mayroon paring luha na nangingilid sa mata n'ya. Makailang segundo lang niyakap s'ya ni Yoona
"Shhh, Lu, alam kong mahal ka ni Sehun..." sabi ni Yoona habang hinihimas ang likod ni Luhan.

"Pero bakit ganon" humahagulgol na si Luhan dahil masakit para sa kanya na ipagpalit s'ya ni Sehun. Lalo na sa isang babae. Sobrang sakit.

"S-san ako n-nagkulang?"

--

Umuwi si Sehun sa apartment nilang dalawa ni Mars. Sinalubong s'ya ng yakap ni Mars na may ngiti sa kanyang mapupulang labi.
"Nasabi mo na ba?" seryosong tanong ni Mars kay Sehun habang nasa hapag-kainan sila. Tumango lang si Sehun at patuloy parin sa pagkain.
"Mabuti naman, naku! Dapat pag-usapan na na'tin yung kasal na'tin, ano kayang magandang motif? Saang simba—"

Tumayo si Sehun sa upuan n'ya "Aakyat na ko, pagod ako"

Hindi dahil sa pinagsisisihan ni Sehun ang ginawa n'ya, mahal n'ya si Mars. Sobra. Pero hindi tulad ng pagmamahal n'ya kay Luhan. Higit pa sa sobra. Pero alam n'ya sa umpisa pa lang na mali na ang relasyon nila sa mata ng mga tao, mga magulang n'ya at sa Diyos. Mahal n'ya si Luhan, Oo. Pero nadala s'ya sa emosyon n'ya. Sa mga gabing hindi s'ya makatulog dahil wala si Luhan sa tabi n'ya kung saan si Mars ang pumalit sa pwesto n'ya. Oo, para kay Sehun sapat na iyon, sapat na 'yon para mahalin n'ya si Mars. Naguguluhan s'ya.

Kinabukasan, pinuntahan n'ya si Luhan para kunin yung mga papeles para sa divorce nila

"Kamusta?" tanong ni Sehun kay Luhan na kasalukuyang pinipirmahan ang mga papeles.

Hindi s'ya sinagot ni Luhan at nagpatuloy pa din ito sa pagpirma ng papeles.

Dumating si Yoona na may bitbit na dalawang baso ng kape "Salamat Yoona" sabi ni Luhan ng naka-ngiti kay Yoona. Tumango si Yoona at umalis na. Natapos si Luhan sa pagpirma at tinignan n'ya si Sehun para iabot yung envelope.

Open Arms {hunhan}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon