"I would like to introduce Mr. Esteban." Pumasok na siya at napakagwapo niya sa black tuxe niya. Hindi ako makapaniwalang may ari din siya ng school na to.




Napatitig ang lahat. Lahat lahat ng kababaihan. Maging si Alexis at alam ko na ang tumatakbo sa isip ng babaeng to.




"Esteban finally nameet na kita" Nagulat ang lahat sa pagtayo ni Alexis. Sabagay makapangyarihan naman kasi.




"Excuse me? Don't you know how rude you are?" Napanganga naman ang lahat sa sagot ni Esteban.



"Ah e pasensiya na po kayo Mr. Esteban. May share po ang father niya sa school na to si Don Arturo Domingo. At siya po ay si Alexandra quaquin Domingo isang mahalagang tao din po katulad niyo." Mahabang pagpapaliwanag ni Mrs. Santiago ang Dean.




"I don't care. Ako ang may ari ng paaralang to at kaya kong tanggalin ang karugpot na share nila." Tila mangiyak ngiyak na si Alexis. Pano ba naman ang brutal magsalita ni Luke walang puso parang hindi babae ang kausap.



"And by the way, I would like to introduce to all of you my Fiance. Abby Salazar." Nagulat, nagtinginan lahat saakin ng lapitan ako ni Luke. Hay ikaw na lalaki ka bakit mo pa sinabi yon?



"Someday siya nadin ang magmamay-ari ng University na to. Mrs. Santiago? Can I have my Fiance for a moment?" Tanong ni Luke sa tulalang Dean namin.




"Okay Mr. Esteban. Wala naman pong klase na si Ms. Salazar pwede na po kayong Umuwi at para makapagpahinga nadin si Ms. Salazar." Tila nagbago ang timpla ng paguugali sakin ng Dean hay napakaplastic talaga.




"Good." yun na lamang ang sinabi ni Luke tsaka niya dinala ang bag ko.



"Ingat Mr. Esteban kayo din po Ms. Salazar." Pahabol ng Dean bago namin tuluyan silang iwang tulala at hindi makapaniwala.




"Bakit mo ginawa yon?"



Tanong ko habang nasa kotse kami.



"Ang alin?" Seryoso lamang ito sa pagdadrive.



"Bakit mo pinahiya si Alexis? Hindi mo ba alam na Pwede akong matanggal sa school na yan?"




Tumawa naman ito.



"Anong nakakatawa? Alam mo Luke Kung nagagawa mong takutin ang ibang tao ibahin mo ako. Hindi ako natatakot sayo, naiinis na ako isa?!"




"Wag ka magalala takot ko lang sayo."




"Ewan ko sayo. Takot ka sakin?"




"Oo takot ako sayo kaya lahat ginagawa ko wag ka lang mawala."




"Pero Luke bakit mo nga pinahiya si Alexis?"




"Cause she deserved it."





"Pano pag nakarating to sa father niya? Pano pag natanggal ako sa paaralang to?"




"Hindi mangyayare yun dahil tayo na ang may-ari ng school na yan."




"Bakit mo ginawa yon?"




"Dahil ayokong apihin ka ng iba, gusto kong tingalain ka ng lahat."





"Poprotektahan kita Abby."




Hindi na ako makasagot pa alam ko ng alam ni Luke ang mga panglalait ng mga tao sakin. Masaya ako na mahalga ako sakanya sana ganito nalang kami habang buhay.




Masasabi kong ang swerte ko, ang swerte swerte ko.




"Ang pogi mo pakiss nga." Hay Abby diba matagal mo ng gustong gawin to? Ayan nasa harapan mo na.




Lumingon ito at naglapat ang mga labi namin.



"Ang daya mo ah sa cheek lang dapat yon." Sabi ko sabay hampas sakanya ng mahina.




Itinigil niya saglit ang sasakyan at tumingin sakin.




"Kunyare Kapa gusto mo naman talaga maramdaman ang mga halik ko diba?" Seryosong nakatingin to sakin.




"Halika nga." Hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan niya ako.



Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko at ang sarap sa pakiramdam na mahalikan ng isang Luke Esteban. Ipinikit ko na ang mga mata ko at dinama ang init ng mga labi niya.

Seducing Mr. Esteban ✔Where stories live. Discover now