Sa Ngalan Ng Pag-Ibig
December Avenue
Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo?
Nasan ka man
Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo?
Nasan ka man
Sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan pa ba magtitiis?
Nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka'y sa aking panaginip
Ikaw mula noon
Ikaw hanggang ngayon
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng maramdaman
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig mo.
xxx.xxx
Ano nga ba ang pakiradam na may karamay sa lahat ng pagsubok na dadaanan? Pakiramdam mo nag-iisa ka lang, no, hindi lang pakiramdam kundi sa totoo lang? mag-isa ka lang talaga. Maiiyak pag mag-isa, matutuwa pag may darating ngunit paano kung lumisan ulit siya, paano ka na ulit liligaya? Yong pakiramdam na gustong gusto mo ng sumaya, pero alam mo sa sarili mo na may kulang. Kulang na kulang, dahil alam mong may parte ng pagkatao mo na hindi na kailanman babalik pa sa iyo at hindi mo na ulit masisilayan.
Ramdam na ramdam mo ang pighati, na gusto ng lumayas sa isyong sistema, ngunit paano nga ba? paano mo ito maaalis kung hindi mo nga alam kung paano ayusin ang sarili mo. Nasanay ka na ng nasasaktan, kasalanan mo man o kasalanan nila, ikaw man ang nang-iwan o sila, still, yong sakit? buong buo parin, handa kang wasakin ng paunti-unti at hindi ka hahayaang mabuo ulit.
An acquaintance once told me "nakakasawa kang makitang nahihirapan, why won't you try to pretend? para sa ganun maging maayos kang tignan. Palitan mo ng ngiti ang mga iyak na nasa iyong mukha, kahit peke man ang ngiti na iyon, basta ba't nakangiti ka, maayos ka"
Maayos? paano ka naging maayos? kung nasa loob mo yong sakit na papatay sayo? Pero that line, taught me how to pretend. Hindi ko alam kung bakit ko sinunod iyong sinabi nya. Eh ako nga mismo hindi sang-ayon sa kanya, pero paglipas ng mga araw, I learned, I learned how to pretend like nothing's wrong at all. Ipinakita kong I'm not mesirable, nagkaron ako ng mga kaibigan ng dahil don. Siguro nagkaron ako dahil nakikita nila akong maayos? maybe I'm right. But I know pretending isn't right, hindi iyon tama, hindi tama kase ikaw mismo sa sarili mo sinasaktan mo ang sarili mo, but pretending makes useful, hindi ako sang-ayon ngunit, oo I'm pretending for good.
Because of that pretending, nakilala ko sya dumating sya, ngunit, sa huli pala ay lilisan din...
"Thank you for coming into my life, you made me happy kahit sa konting panahon na yun. I'm letting you go, I love you for the last time" sabay ng pagbigkas ko ng mga katagang iyan ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I touch his cheeks, bago ako dahan dahang tumalikod.
Ilang hakbang lang ng marinig ko ang nakakabinging ingay ng paparating na sasakyan. Hindi ko alam kung sino ang matatamaan, dahil sa pagpikit ng aking ginawa, papunta ba sa akin ang sasakyan na yun? o sa kanya? Ngumiti ako ng mapait sabay sabing...
"It is finally over"
xxx-xxx
Plagiarism is a crime. The act of using another person's words or ideas without givibg credit to the real owner. Whoever catches plagiarising should be punish under the name of the law.
Any resemblance of names, characters, events and incidents in real life is purely coincidentally happened. This story is fiction and made by the wild imagination of the not-so-witty author.
This story is full of typos, wrong grammars and spellings, and errors. If you do appreciate my story, please vote and leave a comment. But if you find my story boring and ugly, you can leave this story of mine. No hate, no bash, just love.
Btw, this prologue is whole edited, hindi po ganito ang dating prologue haha. Pinalitan ko na kase sobrang jeje talaga eh, pati mga ibang chapters siguro
I love you all chinggus!
YOU ARE READING
In the name of Love
Teen FictionHow can you still stay in love when one of you stay out of love? Mahirap nga naman ipaglaban ang isang pagmamahalan kung ang dapat kasama mo sa paglaban ay bumitaw at humanap na ng ibang ipaglalaban. Ano nga ba ang makakaya mong gawin sa ngalan ng p...
