"Nico, card"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kahit na first warning palang niya ito, ay gusto ko nang gawing third warning na agad pero hindi pwede.

"Anong pinagsasabi nitong lalaking ito? Hahaha. Wow naman! First day palang may report card na agad dito? So nice"

What? Siya lang ata ang hindi na inform about sa warning card. Hindi ba siya natatakot? Katapusan na ng pag mamatapang niya.

Inabot sa akin ni Nico ang card at tumayo. Unti unti akong lumalapit kay Ms. Alcantara. Habang lumalapit ako ay lumalapit din naman siya. Huh? Nakakapagtaka naman. Hindi talaga siya natatakot? Nilabas ko na ang lahat ng effort ko. Naka tiger look naman ako. Hawak ko naman na ang warning card. What's the matter with this?

Nang mag kalapit na kami, kinuha niya sa akin ang warning card at pinunit ito sa harap ng mukha ko. Nag react ang buong klase. Alam nilang wala pa ni isa ang gumawa nito sa akin, siya palang. Anong trip ng isang ito? Malagay sa history na first woman to break the warnig card? Tss.

"I'm warning you Ms. Alcantara! Pagsisisihan mong ginawa mo ito"

After kong sabihin yun ay nag walk out ako. Hindi ko kinaya ang powers ng isang yun ah! Whoo. Inhale exhale. Aha! I have an idea. Goodluck talaga sayo Ms. Alcantara.


MARIA SAMANTHA ALCANTARA'S POV

"I'm warning you Ms. Alcantara! Pagsisisihan mong ginawa mo ito"

Blablablablabla wala akong pake sa pinagsasabi mo! Buti nalang at nag walk out na siya. Teka, bakit nga ba yun lumabas bigla? I won? HAHAHA weak!

"Take your seat Ms. Alcantara"

Naupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi nung babaeng may pagka nerd.

"Hindi ka ba natatakot?" bigla nalang nag salita ang katabi kong nerd.

"Huh? Bakit? May multo?"

Kinabahan ako bigla. Oo matapang ako wag mo lang akong kwentuhan o takutin about sa mga multo. Nako! Mamamatay ako nyan.

"Hindi! Kay August?"

August? Month yun diba? Pinagloloko ata ako nitong katabi ko eh!

"August? September? October? Hahaha"

Mukhang nainis ata siya at tumalikod na sa akin. K fine! Hindi ko kailangan ng kausap. I will survive this day kahit wala akong maging friends.

Nakinig nalang ako sa teacher namin sa dinidiscuss niyang about sa ano ba yan? Hindi ko maintindihan. Bigla namang may kumatok sa pintuan at lumapit sa teacher namin at may binulong.

"Ms. Alcantara, go to the Pricipal's office now"

Weh? Nagjojoke ka? First day pala, principal's office agad? Wow naman! Ibang klase talaga dito sa school na ito.

Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo na. Wait, saan nga ba ang prinicpal's office? Bakit ba kasi ang laki ng school na ito eh! Nag lakad lakad nalang ako. After 30 minutes ay hindi ko pa din makita ang office na yun.

Love WarningWhere stories live. Discover now