Agad naman silang kumilos at kinuha ang kanilang mga bag. Umalis na kami sa spot at nag drive patungo sa school. Malapit lang naman yun dito kaya wala pang 5 minutes ay nandito na kami.

Hindi naman sa takot ako kay mommy kaya ako sumunod ako sa kanya. Ayoko lang talagang mawalan ng allowance for one month. The hell! Hindi ko kayang mabuhay nang ganun.

Pumasok na kami agad sa classroom. Wala nang katok katok at good morning sa teacher. Diretso na agad. Ganyan kami eh at mukhang sanay naman na sila. Pati nga ata teachers eh takot sa amin. Sabagay, paano nalang ang school pag nawala kami? I mean kami ang may malalaking share dito kaya dapat lang na alagaan nila kami.

Nakakaantok naman! Kanina pa akong hikab nang hikab. Makatulog na nga lang. Inayos ko ang upo ko at pinatong ang ulo sa desk.

"Okay Ms. Alcantara, kindly introduce yourself"

Nagising ako sa kung anong sinabi ng teacher namin. Inangat ko ang ulo ko at woah! Mukhang may bago na naman kaming mapagttripan nito. Napangiti ako dahil sa magandang ideyang pumasok sa isipan ko. Pero pinagiisipan ko pa kung paano mabibigyan ng warning ang isang to.

"I'm Maria Samantha Alcantara. Nice meeting you all"

Wow naman! Few words huh? Wait, paano ba ito? Kailangan galitin niya ako or kahit ano basta ma warningan siya.

"So what should we call you?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"MARIA! HAHAHA" I shouted at mukhang nainis siya nice!

"MARIA! HAHAHA" I shouted at mukhang nainis siya nice!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Excuse me Mr. I don't know who you are! Are you making fun of my name? If you are, congratulations you've finally met your enemy!"

Nagulat ang lahat sa inasta niya. Pero mas nagulat ako. Kasi ako? Tinawag niyang Mr. I don't know who you are at pasigaw pa! Wow as in wow! Goodluck sayo Ms. Alcantara.

"You don't really know me huh?"

Mas lalo siyang nainis. Tinaasan niya ako ng kilay at pumamewang pa siya.

"Eh ano naman kung hindi kita kilala? Dapat bang makilala kita?"

Ibang klase ang nilalang na ito ah! Hmm let's see kung hanggang saan ka.

"Haha you're dead miss" sabat ni Andrei.

"Kung ako sayo girl, mag sorry ka na" sabi ni Jake.

Hinihintay ko na mag sorry siya. Yun ang ineexpect ko kasi lahat naman ng kumalaban sa amin, sa huli ay nag sosorry. Pero siya? Wala! Nanatili siyang nakatayo, nakataas ang kilay at nakapamewang. Tinitigan pa niya ako nang masama.

Love WarningWhere stories live. Discover now