Kaizer's P.O.V
Habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Sky ay puno ng bulungan ang paligid,
Anu ba yan!
ba't ang panget ng bago!
sigurado akong weak yan.
obvious naman eh,
at marami pang iba, bilib din ako dito ah, ang dami nang instultong naririnig eh nagagawa niya pang maglaro kasama ang tuta niya, kung ako siguro yan eh kanina ko pa pinatumba yang mga beginners ya yan, akala mo naman kung sinong magagaling. Napailing nalang ako,
kung itatanong niyo kung bakit may beginners is that kita naman sa pangalan palamang, Beginners, Meaning is mga baguhan pa sila, di sila galing sa mortal na mundo, mga anak sila ng mga mamamayan dito sa Azgard, eh kahit na sila eh hindi nga magamit-gamit ang mga kapangyarihan, Sila ay nag-aaral rin sa Light Academy,
Ang light academy ay nahahati sa tatlong klase ng estudyante,
Ang Beginners na ipinaliwanag ko na kanina,
Ang Warriors sila ay yung mas mataas sa mga beginners, sila ay yung mga may kakayahan na gamitin ang kanilang kapangyarihan at kwalipikado na sa pakikipaglaban,
at ang panghuli ay ang mga Elites, sila ay ang mga pinakamagagaling sa Light Academy, dahil na rin ito sa mga taglay nilang kapangyarihan, kaya naman ay kinatatakutan at hinahangaan sila ng mga estudyante, isa na ako dun no, hahaha!
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa isang ----
FCK! ba't ang laki ng bahay ng mokong na to?! Mas malaki pa ata sa mga warriors eh!
"wow ang laki naman" sabi niya at kita ko naman sa kanyang mukha ang pagkamangha,
Mas malaki pa ang bahay ko kaysa sayo boy!
pero sa isip ko lang yun, baka bigla nalang akong sunugin nito, kita niyo naman kung paano niya pinatumba ang mga clones ko sa iilang galawan lang,
siguro kaya binigyan siya ng malaking bahay ay dahil sa utos ito no king, isa lang din siya sa nakakaalam sa kayang gawin ng binatang ito,
"Oh, pano ba yan, una na kami Sky!" sabi ni Magnus sa kanya, ba't kaya ang bait nitong si Magnus kay sky eh halos lahat ng bago na nakukuha namin sa mundo ng mga Mortal ay ang lamig ng pagtrato niya, siguro rin ay nahihiwagaan siya sa lalaking eto,
"Sige! pero teka, pano to?! May susi kayo sa bahay?" tanong niya, bahagya naman akong natawa dito,
"Wala kaming susi diyan, kahit si King walang susi," tugon ko sakanya, Hahaha! Napaka priceless nung mukha!
"Eh pano ako titira jan kung hindi man lang ako makapasok?" tanong niya ulit, na para bang nanghihinayang kasi hindi niya mapasukan ang bahay,
"Ewan ko, bahala ka na jan" saad naman ni Magnus, aba! nakikisakay ah! hahahaha!
naglakad na kami paalis, di na namin nilingon si Sky, bahala na siyang maghanap ng paraan niya diyan.
Sky's P.O.V
Tek! paano ako papasok nito? na mukhang magdidilim na! Tiningnan ko ang bahay mula sa malayuan, letche, paano ko ba to bubuksan? hmm. Baka naman may magic word to, ma try nga
"Abrakadabra!" sabi ko, pero hindi bumukas eh, ano pa bang pwedeng magic word..
"Open Sesame!" Tch! Nakakasura na ah! ba't ayaw bumukas?!
"Alakazam!" wala na akong ibang maisip na magic word eh, dinamay ko pa talaga yung pokemon na kulay dilaw >_>
ayan, may narinig na naman tuloy ako na bulungan
YOU ARE READING
The Fourth Elementalist
FantasyWeird, i feel weird from having all this sensations running across my body, but it's because they say, that I am an Elemental Prince.
