"Ano Azgard!?" tanong ko sa matanda, minsan ko na kasing nabasa ang Azgard sa isang libro, ito ay isang lugar na puno ng mga nilalang na may mahiwagang kapangyarihan.
“Oo, bakit? Alam mo ba ang lugar na ito?” tanong ng binata saakin, aba napapansin ko kanina pa sabat ng sabat to kung may usapan kami ng matanda, pag tinatanong ko ang matanda siya naman ang sasagot, kapag siya naman ang tinanong ko ang matanda ang sasagot. Nakakainis ah -_-
“Oo, minsan ko nang nabasa ito sa isang libro nuong ako ay bata pa, ayun sa libro ay ang Azgard ay isang lugar na puno ng mga mahihiwagang nilalang.” Sagot ko sakanilang dalawa,
“Ah, ganun ba iho, tama nga ang nabasa mo, sa lugar na ito ay lahat ng mga tao dito ay may kakaibang kapangyarihan, kaya ay iwasan mong mapaaway kahit na anu mang mangyari dahil isa ka lamang baguhan dito. Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong nung matanda saakin, tinugunan ko nalamang ito ng isang tango,
“Ako nga pala si Magnus at itong kasama ko na kasing edad mo lang ay si Kaizer” sabi ni tanda na Magnus ang pangalan, at yung sabat ng sabat ay si Kaizer, ok kuha ko na.
“Kelan nyo pa balak alisin saakin tong paralyzing spell nyo kuno?” tanong ko sakanila, siyempre! Hindi parin ako naniniwala sa mga magic-magic etc. na to no! nakita ko naman na napabuntong hininga ang dalawa, halata bang hindi aparin ako naniniwala?
“Alam mo kasi, hindi naming iyan pwedeng tanggalin dahil yan ang utos saamin, at dahil mukhang hindi kapa naniniwala na ito ay isang lugar ng mahika, may ipapakita ako sayo” sabi niya at umilaw na naman ang kanyang tungkod at lumabas ang isang parang hologram na monitor sa harap ko, ABA! Sosyal ah? Nakita ko duon na may dalawang taong nag-aaway ang isa ay isang dark haired at ang isa naman ay mukhang maangas na pula ang buhok, una palang ay nagsusuntukan ito o anu pang moves para mapatumba ang kalaban, anu bayan! Ang boring naman eh!
Hanggang sa naglabas yung maangas ng pana mula sa hangin. Napalaki naman ang mata ko sa nakita, PAANONG NAKAGAWA SIYA NG PANA GALING SA HANGIN?! Bigla niyang pinana ang dark haired na lalake pero nakailag din naman ito,
Patuloy lang sa pagpana si angas sa lalakeng itim ang buhok, ang bilis niya pumana na parang nagkakadikit na yung mga palasog na pinapana niya dahi sa bilis nito, pero mas mabilis yung lalakeng itim ang buhok, nagulat nalang ang lahat ng biglang yumanig ang buong paligid, mula sa likod ng parang arena ay lumabas ang isang dragon. Sus! Dragon lang pal---- WHAT DRAGON?!
Kitang kita ko ang pagngisi ng lalakeng maangas, itinaas niya ang kanyang kanang kamay at unti-unting nabuo ang isang higanteng espada, Ano bang nangyayari dito? Bat may ganun?! Nananaginip pa ba ako o ano?! Sinampal ko ang mukha ko, kung masakit ibig sabihin totoo ito, pero kapag hindi, nasa panaginip ako.
PAK!
Sinampal ko ang sarili ko at napangiwi ako sa sakit, napatingin naman saakin si Magnus at si Kaizer na halatang nagtataka kung bakit ko sinampal ang sarili kong mukha, pero di ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ko ang panonood ng laban, nilalabanan ni angas yung dragon at halata mong napapagod na siya,parang ang gaan lang nung espada para sakanya pero para saakin ay kahit na pagtulungan pa iyon ng isang libong katao ay hindi nila ito makakayang buhatin pero sa hindi inaasahang pangyayari, habang nilalabanan nya ang dragon ay bigla nalang siyang nasuntok ng lalakeng itim ang buhok, nawala kasi sa konsentrasyon niya na dalawa pala ang kanyang kalaban! Nako naman! Ayun dapa siya sa lupa, duon ay binugbog siya ng lalakeng itim ang buhok hanggang sa itinaas na nito ang kamay bilang simbulo ng pagsuko, pumito naman agad ang isang lalake sa gilid, siya siguro ang referee, ayos ah, matapos nun ay naghiyawan ang mga tao sa loob ng parang arena.
YOU ARE READING
The Fourth Elementalist
FantasyWeird, i feel weird from having all this sensations running across my body, but it's because they say, that I am an Elemental Prince.
