gutom na gutom ako, tch! natatawa tuloy si Yaya habang nakikitang kumakain ako, alam ko para akong baboy kung kumain, pero sorry naman, nagutom lang talaga eh,

Nalampasan namin ang school ko, friday pala ngayon, sakto naman ay nakita ko na papalabas na si Eren at si Sophie na nakaakbay naman si Eren sakanya, tss. kung ako nga nuon ay halos hindi ko mahawakan si Sophie eh,

Nalagpasan na namin sila at diretso na ang sasakyan sa bahay, pagkadating namin sa bahay ay bumaba agad ako sa sasakyan at umakyat sa kwarto ko, nahiga agad ako sa kama ko,

"Hays, ano na bang nangyayari sa buhay mo Sky?" tanong ko sa sarili ko,

"Nagmahal ka lang naman ng todo kapalit ba nun eh yung masasaktan ka? yung lolokohin ka lang?" pusha eh, masakit talaga yung puso ko, yung parang ang bigat ng nararamdaman mo at parang maiiyak ka na,

"Sky! may naghahanap sayo sa baba!" sabi ni yaya habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko,

"Andyan na po!"

tumayo na ako sa kama ko at bumaba na agad, tsk! malapit na maghapon eh ngayon ba maghahanap, pagdating ko naman sa gate ay may nakita akong isang lalakeng nakaitim,

"Ano po bang kailangan nila?" tanong ko dito habang nakapamulsa lamang ito at nakatingin saakin, agad-agad paglapit ko dito ay sinuntok ako nito, buti nalang naka ilag din agad ako, Put*! ano bang kailangan nito?! Kakadischarge palang saakin mabubugbog na naman ako? Siyempre hindi ako papayag! Ginantihan ko siya ng suntok, pero para lamang itong si Flash na ang bilis gumalaw,

"Putek! Ano bang kailangan mo!?" tanong ko dito,

"Ipakita mo ang kapangyarihan mo" saad nito na ikinagulo naman ng isip ko,

"Pusha! baliw ka ba?! anong kapangyarihan?!" baliw na siguro tong lalakeng to! kapangyariham ko daw! Sipain ko sya sa mukha niya eh!

Patuloy ang pagpapalitan namin ng suntok pero wala namang tumatama, hanggang sa napagod na ako pero etong lalakeng to, parang walang kapaguran, at tuluyan na nga akong napagod at sa di inaasahang pangyayari ay nasuntok ak nito,

Argh! Fck! Ang sakit ng suntok niya, Damn!

at susuntukin na sana ako nglalake, wala na akong nagawa pa, hanggang sa pakiramdam ko ay nawalan na ako ng malay pero nararamdaman ko ang katawan ko na lumulutang.

Someone's P.O.V

kitang kita ng dalawang mata namin ang biglaang pag-iilaw ng mata ng binata, naging asul ito sa isang iglap, kitang kita namin kung paano natigilan ang clone ko,

Lumutang ito sa ere at biglang itinaas ang hintuturo nito at biglang nalamang sumulpot ang isang higanteng bato mula sa lupa, pinatakbo ko ang clone ko baka sakaling may madamay, pinapunta ko ito sa isang bahagi na patag, doon ay nakatingin ang clone ko mula sa pinanggalingan nito, pero agad na tinamaan ito ng higanteng bato na nahing sanhi ng pagyanig ng malakas ng lupa,

"Itigil mo na yan! nakita na natin ang kaya nitong gawin!" saad niya saakin, pero hindi pa ako nakuntento ay pinadoble ko ang clone ko at pinaatake ng sabay sakanya, nahihiwagaan ako sa binatang ito, ang dami niyang kayang gawin, una ay ang kidlat, ngayon naman ay ang lupa, ano pa bang kaya mong gawin Sky?

agad-agad na umatake ang mga clone pero biglang lumitaw ang mga bola ng apoy sa paligid ni Sky at tinira niya ang mga clone ko at isa-isa itong nawala,

kita ko ang pagkamangha sa aking katabi ngayon, na may halong takot, ako rin ay natatakot sa binatang ito, iba ang kanyang kapangyarihan, na wala pang iba na nakakagaya,

Sky's P.O.V
kitang-kita ko kung paano lumabas mula sa lupa ang isang malaking bato, kita ko rin na tumakbo papalayo ang lalake, gusto ko sanang pigilan ang sarili ko pero hindi ko ito magawa, bigla ko nalang sinundanang lalake at ng maabutan ko ito ay ibinato ko ang bato. no! this can't be! ayokong pumatay! pero nakailag naman ang lalake, bigla nalang siyang dumami kaya nama ay naglabas rin ako ng mga bolang apoy at ipinatama sa mga lalake, lahat sila ay natamaan ng mga bolang apoy ko kaya naglaho sila na para lamang bula,

Matapos iyon ay bigla nalang dumilim---

Minulat ko ang mga mata ko at ang sumalubong saakin ay mukha ng dalawang batang titig na titig saakin, at ng makita nila akong nagising na ay agd naman silang nagtatakbo palayo, di ko maigalaw ang katawan ko,

ilang sandali pa ay naramdaman kong may pumasok na mga tao,

"Nagising ka na pala" saad ng lalakeng may mahabang bigote na nakahawak sa isangsunkod na may parang kumikinang na diyamante sa ibabaw, ang ganda..

"B-bakit hindi ako makagalaw? nasaan ako?" tanong ko sa matanda,

"Ginamitan ka muna namin ng paralyzing spell na nakakapagparalyze ng katawan mo kaya't hanggang sa gusto namin ay mapaparalyze ka." sagot ng binata sa kanyang gilid,

"Teka! ikaw yung lalake na nakaitim kanina! akala ko napatay kita! patawad!" paghihingi ko ng paumanhin,

bahagya naman itong napatawa

"Wag kang mag-alala, clones ko lng yun at kaya kong gumawa ng mas marami pa kung ilan ang gusto ko" Paliwanag nito saakin,

"Anong nangyari kanina?! panong hindi ko makontrol ang katawan ko?! bat may biglaan nalang isang malaking bato ang lumitaw! yung mga bolang apoy?!" pagtatanong ko, hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga yun, at natatakot ako dito.

"Iyon ay sa kadahilanang hindi mo pa kontrolado ang kapangyarihan mo" paliwanag ng matanda saakin,

"Kapangyarihan?! pinagloloko niyo ba ako?! hindi na ako bata para maniwala sa mga ganyan! kaya pakawalan nyo na ako! may pa paralyze spell pa kayong nalalaman!" sigaw ko sakanila, at napabuntong hininga nalang ang binata at matanda,

"Eto, tingnan mo." sabi niya saakin at bigla nalamang lumiwanag ang kanyang tungkod at nagpalabas ng isang maliit na halaman mula sa konkretong sahig, gumagalaw pa ang halaman, napaawang naman ang bibig ko dito,

"Panong?!" hindi na ako halos makapagsalita dahil sa nakita ko,

"gaya nga ng sabi ko, lahat ay posible sa mundong ito at ang kapangyarihan ay isa na dun" sabi niya, hindi parin ako makapaniwala sa nakita,

"t-teka, nasanba a-ako?" tanong ko sakanila dahil di pa ako nakakakita ng ganitong lugar,

"Ay, bago ka nga lang pala dito," sabi nung binata sa gilid ko.

"Nandito ka sa lugar na tinatawag nang karamihan na Azgard" sabi niya

ANO?!
---------------------------------
A/N
Weee! Salamat sa pagbabasa! sana ipagpatuloy nyo pa! Till next update! 😁😁

The Fourth ElementalistWhere stories live. Discover now