Baby 12

8 2 3
                                    

Andito ako ngayon sa Jolibee kasi kakain akong Chicken Joy para man lang kahit sa manok may saya akong maramdaman.

Hay, akala ko talaga naka-move on na ako. Akalain mo iyon? Nasasaktan padin ako? Nagtataka ka kung bakit ako nasasaktan?

Hay, nakita lang naman kita kanina baby. Iba na naman kasama mo, ah? Bagong gf mo ba iyon? It has been what? 8 months? Matagal na kung tutuusin kaso parang fresh padin.

Bakit kaai ang hirap mag-move on, no? 'Yung gusto mo naman at willing ka sa utak mo pero yung puso mo hindi pa talaga handa. Time heals all wounds pero parang hindi naman. Nagmamadali talaga ako sa pag-move-on kasi nakakatanga nadin minsan.

Pagod na ako sa gamitong pakiramdam na ngumingiti ka nga araw-araw pero deep inside, wasak na wasak kana. Natatakot din ako, natatakot na baka isang araw wala na talaga akong maramdaman. 'Yung tipong masasanay kana wala kang pakiramdam. Don't get me wrong baby. Unfair na din kasing nakikita kitang masaya pero heto ako stuck padin sa nakaraan nating dalawa.

Hay, ano ba iyan? Sabi nung tag-line ng Jolibee, bida sila sa saya tapos andito ako hungkag ang pakiramdam. Makaalis na nga. Bwisit din tong music nila. 'Like I'm Gonna Lose You' pa. Che!

Uwi na nga ako!


Ar-nii~~

Left BehindWhere stories live. Discover now