Baby 6

15 2 3
                                    

Araw ng mga patay pala ngayon. Dadalawin sana kita kasi diba? Sabi mo noon, mamatay ka pag nawala ako sa buhay mo. Kaso, malayo naman ako sayo kaya ipinagtirik nalang kita ng kandila.

Pero seryoso, sa mga nakalipas na araw, natutunan kong ibalik yung dating ako. Naging malaking bahagi ng pagbabago ko si Rick. He has been patient with me. Palagi niya akong dinadamayan at pinapasaya. Don't get me wrong. We're just friends. Kung iniisip mong mag-next level kami ay di ko pa kaya. Masyado pang maaga. Tatlong buwan palang kaming magkakilala at kahit na close na kami ay di ko padin kayang magmahal ulit.

Kahit na magkalayo kami ay palagi kaming nag-uusap. He has his ways nga daw sabi niya. Di ko naman sinasarado ang pintuan ko para sa kanya, pero hindi pa talaga ako handa. Malay natin diba?

Maghahanap na palw ako ng trabaho next week.

~Ar-nee

Left BehindOnde histórias criam vida. Descubra agora