Trigger 43 - Life after 6 years

Start bij het begin
                                    

Selene: "Hi, kuya Therbie! Hinay-hinay lang sa work, kuya. Sabi ni Renz hindi ka na raw ata kumakain nangangayayat ka kasi."

Ambia: "Kakarating lang ang dami mo nang sinabi. Megaphone talaga."

Selene: "Bansot!"

Ambia: "Cute naman! Hmp!"

Knight: "Oh, nag-aaway na ata kayo e."

Nilapitan ko si Knight at nag hi-five kami na madalas naming gawin kapag nagkikita. 

Therbie: "Hindi nag-aaway iyan, P're. Normal na nilang gawain iyan, nag-uusap lang sila sa lagay na 'yan."

Nagtawanan kaming dalawa, at noong mapalingon kami sa gawi ng dalawa, nakatingin ng masama ang mga ito. Natigil lang ang tawanan namin noong may malakas na tumikhim mula sa likuran ko. Noong lumingon kami ay napamulagat ako.

Therbie: "Boss--Tito Dom?"

Boss: "Para namang nakakita kayo ng multo kung tingnan ako. Tss."

Brenda: "Mukha ka naman kasing multo, honey. Hi, boys!"

Knight: "Hello po, Tita Brends. Boss--Tito Dom."

Therbie: "Hi Tita Brenda. Napadalaw po kayo?"

Boss: "Pwede bang maupo muna kami? Kasi napagod ako."

Natawa naman si Tita Brenda sa sinabi ni Tito Dom/Boss kaya pinanlakihan niya ng mata ang asawa, pero hindi naman nakinig ito.

Brenda: "Nauna na pala sina Ambia at Selene dito. Pinapunta kasi namin sila dito dahil may sasabihin itong matanda dito--"

Boss/Dominic: "Ikaw rin naman."

Kung kanina ang bait tingnan ni Tita Brenda sa matamis niyang ngiti, ngayon, parang nag-360 degrees ito at nanlamig kami sa takot ng aurang pinakita nito.

Brenda: "Saying something, honey?"

Parang na-realise naman ni Boss ang sinabi niya at bigla siyang alanganing ngumiti at nilambing ang asawa niya.

Dominic: "So-sorry na po, honey. Hindi ko po sinasadyang sabihin iyon. Sorry po."

Brenda: "Ok, forgiven. Love you, honey."

Dominic: "Love you too, honey."

Napapangiti ako sa mag-asawa pero napalingon ako kay Knight noong nag-lean ito sa side ko. 

Knight: (bulong) "Takusa."

Muntik na akong mapabunghalit sa tawa sa sinabi niya. Iyon rin kasi ang nasa isip ko na napansin rin pala nitong kolokoy.

Therbie: "Pero takot ka rin naman kay 'Momo' mo e."

Knight: "Oy hindi ah! Ako ang lalaki kaya ako ang dapat katakutan."

Napalingon kaming dalawa kay Selene at Ambia na kanina pang nagngingisihan na parang may nakakatuwa silang nasaksihan. Maya-maya ay humarap ito sa amin ni Knight at inilabas ang cellphone ni Selene na hawak nito.

Selene: "Narinig mo iyon, Nicolet?"

Ambia: "Ako ang lalaki kaya ako ang dapat katakutan~ Hihihihi."

Nanlalaki ang mga mata ni Knight at parang takot na takot ito ngayon at hindi alam ang gagawin. Mas lalong napatigil ito sa kinatatayuan noong marinig ang boses ni Nicolet sa kabilang linya na ini-loud speaker ni Selene.

Nicolet: *Katakutan pala ah..*

Knight: "M-momo! Joke lang iyon, siyempre ikaw pa rin ang boss ko. Ikaw ang masusunod, Momo ko!"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu