Chapter 1 (Edited)

26K 588 19
                                    

Alondra Mae Sy POV:

Inaantok at tahimik na nakatanaw ako sa malayo habang nagbi-byahe papunta sa bahay ng papa ko sa Tagaytay. Kakarating ko lang galing Dallas kung kaya pagod na pagod pa rin ang aking pakiramdam.

Anim na taon na ang lumipas nang magkahiwalay ang mga magulang ko dahil sa hindi pagkakaintindihan. Kami ni mama ay agad na sumunod sa lolo't lola ko at sa mga kapatid niya sa Dallas upang doon na manirahan. Ang papa ko naman, nang dahil sa trabaho ay nalipat siya sa Tagaytay at nagpagawa na rin siya ng bahay doon para hindi na rin siya mahirapan pa sa byahe kung uwian pa siya sa Taguig. At dahil unica hija ay nagdecide sila na pagtuntong ko ng College ay kay papa muna ako manirahan at doon na rin mag-aaral.

"Alondra, okay ka lang ba? 'Nak, Magpahinga ka nalang muna habang nagbi-byahe pa tayo. Para kahit papano ay makapag-recharge ka man lang. Halatang may jet lag ka pa." nag-aalalang tanong ng papa ko habang nagmamaneho sa kahabaan ng Cavitex.

"Okay lang po ako 'pa."

"Sigurado ka ba, anak? Ayaw mo bang matulog na muna?"

"Mamaya nalang po pagdating ng bahay."

"Sige ikaw ang bahala." anito. Hindi na ulit ito nagsalita pa at nagfocus nalang ulit ito sa pagmamaneho. Dahil nagparadyo ay umaalingaw-ngaw ang kanta ni Kenny Rogers na Through The Years sa sasakyan kung kaya sinabayan niya ito ng pagkanta. Nakangiting nilingon niya ako habang kumakanta pa rin.

"That Song. Di ba that was your theme song when you and mama got married?"

"Oo."

"Through the years. It means that your love should last forever, right? But, how come nagkahiwalay parin kayo ni mama?" seryosong tanong ko sa kanya. Tumigil ito sa pagkanta hininaan ang volume ng radyo. At seryosong nagsalita.

"Anak, malaking kaibahan ang sa kanta at sa tunay na buhay na pag-iibigan, may ibat-ibang rason. Kung yung sa kanta o di kaya ang gumawa ng kanta ay hanggang wagas na ang pag-iibigan na yan para sa kanila, may iba naman ay sa simula lamang meron pero hindi umabot ng panghabang buhay. Tulad sa amin ng mama mo. Noong una akala namin ay panghabang buhay na talaga pero nang tumagal nang ilang taon ay saka lamang namin naintindihan na hindi pala talaga kami nararapat para sa isa't-isa."

Napataas ang isa sa mga kilay ko sa sinabi niya. "Honestly speaking papa, I don't get it!"

Napatawa ito dahil sa sinabi ko. "Masyado ka pa kasing bata kaya hindi mo maintindihan. Balang araw malalaman mo rin kung ano ang meaning nung sinasabi ko. Ilang taon ka na nga ulit? 17 diba?" Nakangiting tanong nito sa akin. At nilakasan na ulit nito volume ng radyo. Hindi ko na ilet ito pinansin at tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana.

------------------------

Nasan ako? Bakit ang dilim?

Bata? Anong ginagawa ng bata na ito rito?

Tinawag ko itong upang tanungin sana kong nasaan kami. Ngunit nang lumingon ito ay nakita kong pamilyar sa akin ang mukha niya.

"Kuya Hiro?"

"Kuya Hiro ikaw ba yan?" Nakangiting nilapitan ko ito. Hindi pa man ako nakarating sa harapan nito ay bigla nalang itong naglakad. Naging mabilis ang paglakad ko papunta sa kanya hanggang sa napalitan ng pagtakbo ngunit nakakapagtatakang hindi ko parin siya maabutan. Hanggang sa unti-unti na itong nawala.

"Sandali!!" Sigaw ko rito.

"Alondra gising.!" Nagulat ako sa ginawang pagtapik ni papa sakin.

Panaginip lang pala. Isang weirdong panaginip lang pala iyon. Kelan ko ba siya huling napanaginipan? Twelve years ago na yata. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako habang nagbya-byahe papunta sa bahay ni papa.

My Alpha Mate and I (COMPLETE)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ