Muling tumulo ang mga luha ko. Naalala ko na naman ung mga bagay na binili niya para sa'kin. Papagalitan niya 'ko na kung anu-ano daw ang gusto ko pero hindi pa natatapos ang araw, uuwi siyang bitbit 'yon para ibigay sa'kin.

Ang pinakapaborito ko ay ung recorder. Limang taon ko nang pinag-iingatan 'yon.

"May mga bagay talaga na pwede nating hingin pero di natin kailanman makukuha. The best way to do is to accept that fact and move on. Tanggapin nating wala na si Papa. Masakit dahil tatlong araw palang ang nakakaraan pero kailangan. Paunti unti lang MaiMai. Kaya natin 'tong dalawa."

Tumango tango ako sa sinabi niya at pilit na ngumiti. He cupped my face and wiped my tears. "Ikaw nang magpunas ng uhog mo. Nakakadiri."

Ngumuso ako at ginawa ang sinabi niya. Tumatawa siyang lumabas ng kwarto ko. Ganyan kabait ang kuya ko. Nagmana kasi siya kay mama at ako naman ay kay papa.

Dumating siya kahapon galing Dubai para ayusin ang kaso at lamay ni Papa. Ang sabi ng mga nakakita, na hit ang run siya. Hindi nila naplakahan dahil medyo madilim din ang lugar. Siguradong magsasara lang ang kaso.

Galit na galit ako sa gumawa no'n kay papa. Sana lang ay kung sino man siya, patayin siya ng kanyang kunsensya.

Isang linggo akong hindi pumasok sa school. Hindi rin ako nagpaalam dahil sobrang lungkot ko sa pagkawala ni Papa. Buti nalang at nandito si Kuya. Siya ang umaasikaso ng lahat.

Nang nilibing si papa ay hindi ko muling napigilan ang sarili kong umiyak ng umiyak. Ako dapat ang magsasalita sa simabahan pero hindi ko kinaya. Pati 'yon ay sinalo ni Kuya Icio.

"Iara, kailangan kong bumalik sa Dubai."

"Iiwan mo ko, kuya Icio?" Pinagpatuloy ko ang pagsalansan ng maruming pinggan nang nakakunot ang noo. "Kakalibing palang ni Papa nung nakaraan tapos aalis ka na agad."

"Nag emergency leave lang ako do'n at kailangan ko pang tapusin ang kontrata ko sa kumpanya."

"Ga'no pa katagal?"

"Halos isang taon pa."

"Ano?" Mabilis akong napalingon sa kinauupuan niya habang naghuhugas ng pinggan. Umupo ako sa upuan katapat niya. "Ang tagal naman. Pa'no ako dito, kuya? Ayokong mag-isa."

Tumayo siya para ipagpatuloy ang iniwanan kong trabaho. "Of course not. Hindi ko hahayaang mag-isa ka kaya nga pinakiusapan ko ang kaibigan ko na do'n ka muna tumira sa kanila."

"What!?" Napatayo ako sa upuan. "Ayoko, kuya Mauricio! Bakit mo ko ipamimigay? Dito nalang ako."

"Hindi kita pinamimigay. Babalik din naman ako 'pag natapos na ang kontrata ko."

"Pero kuya—"

"Ngayong mag-isa ka nalang dito, hindi ako mapapalagay. Please understand, Iara."

Bumuntong hininga nalang ako at nangalumbaba. "Sige na nga. Sino ba siya? Dumalaw ba siya noong lamay o libing?"

"Hindi." Nilagay niya sa lagayan ang mga pinggan bago bumalik sa pagkaka-upo. "Barkada ko siya simula college. Out of town siya noong libing at lamay kaya di nakapunta pero magkikita kami mamaya. Isasama kita mamaya sa bahay nila."

"Ha? Agad agad? Alam na ba niya na makikitira ako?"

"Oo. Siya nga ang nag-alok eh."

"Lalaki o babae?"

"Lalaki."

"Oh my God! Iiwan mo ko sa isang bahay kasama ang isang lalaki?"

"Of course not!" mabilis niyang sagot. "Isang pamilya sila. Nakausap ko na din ang parents niya at okay lang daw."

"Okay." I sighed. He smiled apologetically.

"Babalik din ako agad. Dito na 'ko after ng kontrata ko do'n."

Naiinis ako kay kuya. Kararating niya lang tapos iiwan niya na agad ako. Wala pang dalawang linggo tapos aalis na siya dahil sa trabaho. Ang masama, ipapatira niya ko sa isang bahay kasama ang mga taong hindi ko kilala. My God! Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko?

Naka-set na maghapunan kami sa bahay ng kaibigan ni Kuya. Randell ang pangalan. Syempre, dahil dinner ito sa ibang bahay, kailangan kong mag-ayos. Naka baby blue dress ako na pinatungan ng cardigan. Naka 2-inched heels at high pony tail. Si kuya naman ay naka slacks at polo shirt.

Nag-taxi kami papunta sa bahay nila at grabe lang! Ang laki ng bahay nila. Sobrang laki. As in.

Nakanganga lang ako sa pangka mangha pagbaba namin sa taxi sa tapat mismo ng bahay nila.

"Kuya, 'bat di mo naman sinabi sa'kin na ang yaman pala ng kaibigan mo?"

"Oh ano? Ayaw mo parin tumira dito?"

"Wala akong sinabing ganyan. Tss." I glared at his back while he walked to the big gates.

Nag door bell siya ay may lumabas na guard. Kinausap niya salit bago ako signalan na lumapit.

"Bakit di mo nalang pinapasok ung taxi? How far are we going to walk?"

"Ang dami mong tanong."

"Pagod na 'ko eh. Ang layo pala."

"Hindi ko alam na malayo pala ung gate sa bahay nila eh. Kawawa naman ang kapatid ko. Tatlong minuto nang naglalakad."

Inakbayan niya ko. Inismirad ko siya at pinag-krus ang mga braso ko. Ang layo kaya ng tatlong minutong lakaran. Nakakapagod.

"Dapat bilan mo ko ng kotse 'pag dito ako tumira."

"Mag-bike ka nalang."

"Ayoko."

"Ang arte mo."

Nagbabangayan kami hanggang makarating kami sa tapat ng napakalaking double door. Wow talaga ang bahay nila. Sobrang laki. Gusto kong tumira dito.

Sana lang hindi ako sa maid's quarters patulugin. Binulong ko 'yon kay kuya pero tumawa lang siya at bago pa siya makasagot ay bumukas na ang malaking pintuan.

Isang lalaking naka mamong shorts at black t-shirt ang iniluwa nito. Pinapaikot niya ang isang keychain na may susi sa kanyang daliri. Halatang papaalis. Hindi niya pansin ang pagdating namin dahil hindi niya kami nakita agad.

Pero ako pansin na pansin ko siya. Nang magtagpo ang paningin namin ay halata sa kanya ang gulat. Gano'n din sa'kin.

Oh ny God! Bakit siya nandito?

"Good evening. Andyan ba si Randell?"

"Yeah. He's inside." Hindi natanggal ang tingin niya sa'kin habang sinasagot si Kuya.

"I know you." Don lang siya tumingin kay kuya. "You're his brother, right?"

Tumango siya. "I'm Dylan."



Please vote and comment

🙏👊🏼✌🏻

The Virgin Lies (Published under LIB)Where stories live. Discover now