Kabanata 20

403 26 5
                                    

It's hard to party when something's bothering you. Buti na lang hindi naman masyadong napuna nila Ate Cora. Kaso, si Yong naman ay hindi na ako nilubayan sa katatanong.

"Iyon na nga 'yun, Yong." I said for the nth time. Nakatingin lang ako sa dance floor kung saan nagsasayaw sila ate Jinri, ate Cora, Kuya Tanner at si Kuya Tyler na kakambal nito. Kasama din nila iyong mga naging kaibigan nila sa industriya.

As expected, maingay talaga. Kami lang yata ni Yong ang bukod tangi na nakaupo at naguusap.

"Sus, 'yun na yun? Di naging kayo?" He pried. Ngumuso ako at umiling.

"We're friends."

"Eh, bakit nagdadrama ka d'yan?" He asked with a low laugh. I glared at him at buong panggigil na kinurot ang kanyang pisngi.

"Kainis ka, Yong." I huffed, he just laughed at me and shrugged.

"Gwapo, Kisses." He stated, chuckling.  "Anyway, naguguluhan lang ako. Akala ko bumalik si Marco? Anong nangyari dun sa ex mo?"

I sighed and shifted my gazed back to my juice. Kinuha ko ang baso at inikot ikot ito.  "We talked. I even...tried to...uhmm...test if I still have feelings for him pero wala na e. Hindi ko nga maintindihan. Bakit mabilis?"

"So, ang sinasabi mo, mahal mo si Edward?"

Napalunok ako sa tanong n'ya at napaisip.  "Ano, Kisses?"

"H-Hindi. Imposible e, masyadong mabilis."

"Walang imposible sa pag-ibig." He laughingly said before he headed to the dance floor because ate Cora passed out and Kuya Tyler is kissing a random girl in the middle of the dancefloor. I shook my head, grunting as Yong's words rang inside my head.

Mahal mo si Edward? Mahal ko ba s'ya?

I woke up early to prepare for our trip. May isang catalogue shoot kasi kami for a clothing line's summer campaign. Magkakasama kaming apat doon. Tapos si Yong iyong photographer namin.

I took a bath and wore a loose, light yellow shirt, short shorts and a pair of white sneakers. Nang matapos mag-ayos at makakain ay tinext ko na si Yong para masundo na ako, since s'ya ang unang susunduin ng van.

I took my luggage out of my room atsaka iyong folder na may print na ipapasa kay Sir Trias. Shortly, Yong texted me to go down the lobby cause he can't--doesn't want--to go to my unit. Tinatamad daw s'ya.

I pulled my luggage out and took the lift. Nakita ko kaagad s'ya sa isa sa mga sofa. Nakasandal ang ulo n'ya sa tuktok ng sandalan. He's wearing shades and I think natutulog s'ya.

"Yong, bangon na." I said, tugging his foot using mine. Umayos s'ya ng upo at inalis ang kanyang shades. His tired eyes greeted me.

"Napuyat ako kagabi."

"Halata nga." I giggled.  "Ano bang nangyari sa'yo?" 

"Pagtapos kong mahatid ka at si Ate Cora, bumalik pa ako doon para sila ate Jinri naman ang maihatid ko. Na, nasuka pa sa kotse si kambal Tyler. Naglinis pa ako ng di-oras, bai."

Napatawa ako sa sinabi n'ya. "Driver ka pala kagabi."

"Oo. Kaso walang sweldo." He retorted and I snorted with laughter.  "Tara na nga, ang aga pa para humalakhak ka ng ganyan."

Sumakay kami sa van at nagpadaan s'ya sa isang fastfood saka umorder ng pagkain namin.  "Pancakes." He handed me a styro containing three pieces of pancakes at tigdalawang maple syrup at butter.

"Thank Yong."

He made face and gave me the plastic knife.  "Ang hyper mo, Kisses. Akala ko pa naman malungkutin ka pa din dahil nakita mo yung nambasted sayo kagabi."

"Hala! Grabe ka! Nambasted ka d'yan?"

"Kita mo, nanghahampas ka? Ibig sabihin totoo."

"Ano ba, Yong! Naman, e!"

"Uy, napipikon na."

"Tss. Ayoko na ngang kumain." Binalik ko sa kanya iyong binigay n'ya. He just laughed and shook his head.

"Okay, kakainin ko na lang 'to." Hindi ko s'ya pinansin at kinuha ko na lang ang cellphone ko para itext si dad.

"Ay hindi na namansin si Kisses. Ito na nga, o."

"Hindi, wag na. Kumain naman na ako."

"Nagtatampo ka na n'yan?"

I laughed and shook my head.  "Hindi nga, kumain ka na lang... hmm.. patikim pala." He handed me the fork and the knife, humiwa ako at kumain saka ibinalik sa kanya.

"Masarap. Ubusin mo 'yan. Dadaan pa tayo sa school diba?"

"Oo. Magpapasa kasi e. Di na lang pina-email." Naiiling na sabi n'ya habang kumakain.

Yong filled me in with his late night driving session last night pagkahatid n'ya sa amin ni Ate Cora. Tawa lang ako ng tawa sa sinasabi n'ya.   "Grabe, hindi na talaga ako maghahatid ng mga lasing."

"Maaalala kaya nila yung mga ginawa nila?" I asked, grinning. Nagkibit balikat lang si Yong at di na sumagot. Nang makarating kami sa parking lot ng aming school ay agaran kaming bumaba at nagmamadaling pumunta sa college namin para magpasa ng input.

Bumalik din kami agad sa van at sinundo naman namin sina Ate Cora at Ate Jinri. They made Yong move to the last row dahil gusto daw nila akong katabi.

"Nauna ako e." Reklamo ni Yong.

"Kanina ka pa naman Yong. Kami naman." Tumatawang sabi ni Ate Cora saka sumandal ang ulo sa balikat ko.

"My head hurts." Reklamo ni ate Jinri. Malapit na kami sa condo ni Kuya Tanner nang makatulog ako dahil na din sa antok. Isa pa, tulog na tulog na din ang mga kasama ko bukod kay manong driver.

I woke up with gentle slaps on my cheeks. I groaned and opened my eyes only to see Yong grinning at me.  "Gising na po, sasakay na tayo sa bangka."

"Bangka?" I asked. Bumaba ako at tinanaw ang dagat sa aming harapan. A sense of nostalgia washed through me, making me shiver. "Bakit tayo magbabangka?"

"Ha? Hindi mo ba alam?"

"Ang alin?" Kunot-noong balik tanong ko kay Yong. Bumuntong hininga s'ya at nag-angat ng tingin sa akin mula sa kanyang camera.

He raised his cam up to his face. Sumilip s'ya at sunod-sunod na click ang narinig ko. I tried covering the lens with my hands pero iniiwas n'ya.  "Sa isla yung resort na pagshushootan natin."

Napahinto ako at natulala. Hindi naman siguro diba? Imposibleng doon kasi it would take a lot of time para madevelop ang isla. And ang malas ko naman kung doon nga sa isla na iyon.  "Saang isla, Yong?"

"Basta. Maganda do'n." He grinned as he pulled me to the boat where ate Cora, ate Jinri, kuya Tanner and the two HMUA are sitting, waiting for us.

I Don't Love YouWhere stories live. Discover now