Kabanata 4

507 42 6
                                    

"Edward, gala tayo." Rinig kong sabi ni ate maymay nang makababa ako sa hagdan. Ang sakit ng ulo ko dahil sa puyat. Pagkakain kasi namin kagabi ni Edward ay hinatid ko pa sya sa kwarto nya tapos nagpalagay a sya ng hot compress sa tuhod at hita nyang puro pasa. Hayyy.

Di ko naman masabihang abusado kasi ako naman ang may kasalanan nun. Buti na lang at bakasyon ako dito kila tito at kahit tanghali na ay hindi nila ako ginising.

"Good morning." Bati ko sa kanila. Nakaupo si Edward sa couch habang si ate maymay naman ay nakaluhod sa tapat nya. Parang nagmamakaawang samagan syang gumala.

"Ay! Kisses!" Tumayo sya at lumapit sa akin. She held my hand and looked into my eyes. I smiled.

"Ano yon, te May?"

"Samahan mo naman akong gumala o. Si Ed kasi, ayaw. Masakit daw ang paa nya." Napangisi ako at tumingin kay Edward na ngayon ay nakatutok na sa kanyang cellphone.

"Sige, ate."

"I'm telling you, guys, it's not a good idea." Sabat ni Edward matapos kong magsalita. Napasimangot si ate maymay at saka sinimaan ng tingin si Edward. Hindi naman sya pinansin ni Edward. I giggled at their cuteness.

"Hay nako, wag mong pansinin yang lolo na 'yan, Kisses." Tumawa na lang ako at tumango. "Tara na?"

"Saglit lang te May. Kunin ko muna wallet ko."

"Sige ako din."

Sabay kaming pumanik sa aming mga kwarto. Kinuha ko ang brown kong sling bag at sinukbit. Okay naman na ang damit ko dahil halos pang-alis ang dala kong damit dito. I did my eyebrows, lips and cheeks bago ako lumabas ng aking kwarto.

Pinuntahan ko si ate maymay sa kwarto nya at sabay na kaming bumaba. Nandoon pa din si Edward na ngayon ay nagbabasa ng librong medyo may kakapalan. Nagpaalam kami sa kanya pero di nya kami pinansin. Sungit.

Lumabas kami ng bahay at dumiretso sa gate. Wala yung guard doon kaya lumabas na lang kami ni ate maymay. Nagsuot sya ng cap at shades nang makalabas kami. Pumara kami ng trike para makapunta sa plaza.

"Ate May, wala akong alam na galaan dito ha? Ang alam ko lang ay plaza yung sentro dito."

"Okay lang yan kisses. Yolo." Natatawang sabi nya. Matindi ang sikat ng araw pero mahangin naman.

"Kain muna tayo, te may."

"Sige. Di ka pa nga pala nag-aalmusal."

We decided na sa isang cafe na lang kumain. Nagseserve sila ng gelato at burgers. Pareho lang kami ng inorder ni Ate maymay. We talked about a lot of things habang kumakain. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa matapos kami.

"Hay, pahinga muna tayo kisses." Bumuntong hininga sya. Tumawa ako at tumango.

"Sige, ate. Feeling ko puputok na ako sa kabusugan." We both laughed.

"Ano bang magandang gawin dito? Bukas piyesta na, sa isang araw uuwi na ako." Sabi nya nang matahimik kami.

Nagulat ako at nakaramdam ng lungkot. "Hala, bakit naman ate? Pwede ka pa naman dito di ka pinapauwi ni tito."

Malungkot syang ngumiti sa akin at umiling. "Hindi pwede, Kisses. Pinapauwi din kasi ako ng lola ko, ang tagal ko na nga naman kasing hindi nakakauwi." Tumawa sya. "Tsaka may ilang work commitment din ako after two weeks. Saglit lang naman kasi ang bakasyon namin ni Ed."

Napatango na lang ako at napanguso. "Mamimiss kita, ate."

"Mamimiss din kita." Ngumiti sya sa akin at bumuntong hininga. "Wag na tayong magdrama baka umiyak ka pa dyan."

I Don't Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon