#24: When my heart tells me it's you

Magsimula sa umpisa
                                    

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

"Dylan."

"Phew, Buti na lang nahanap kita."

"Umuwi na tayo Dylan."

"Dahil ba to kay Tyler?"

Napatingala naman ako at napatingin kay Dylan na nasa harap ko na pala at nakatayo. Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha gamit ang likod ng aking palad at tumayo na.

"No.Let's go home." sabi ko habang nakatungo. Ayaw ko kasing malaman niyang umiyak ako.

*Sigh*

Narinig ko naman na huminga ng malalim si Dylan. Maya maya ay agad kong naramdaman ang kanyang yakap at mas humigpit pa ito.

"Don't cry. Tyler is not worth it for you Rien. You deserve someone much better..." Dylan

Kumalas naman ako sa yakap at ngumti ng mapakla.

"Dylan, hindi ko naman iniiyakan si Tyler eh. So no need to worry okay?" sabi ko

Naguluhan naman si Dylan sa sinabi ko kaya napagpasyahan kong ikwento na lang lahat sa kanya. About my past and about Tyrence.

___

"So saan mong balak hanapin si Tyrence?" tanong ni Dylan habang nakaupo sa parking lot katabi ko.

"Ewan. Bahala na!" sabi ko.

"Ang hirap naman yan Rien! Paano mo mahahanap yung Tyrence na sinasabi mo paghindi mo siya ganun ka kilala? Ano ba ang natatandaan mo ha?"

Napaisip naman ako ng malalim. Ano nga ba? Haist. Ang hirap hanapin ng mga taong hindi mo naman alam kung nasaan.

"Keep that so I know that you're my Riri when I get back. I have one too so better find me okay?"

"AAAAAAH!"

Bigla naman nataranta si Dylan sa pagsigaw ko. LOL

"F*ck! Anong masakit Rien?"

"Ulol. Wala noh!"

"Eh bakit ka ba sumisigaw ha?!"

"I know how I can find Tyrence. See this necklace *labas ko ng necklace sa may leeg ko*? Tyrence gave this to me at siya mayroon rin siyang ganyan. Let's just find someone who also have the same necklace as mine. At malay mo true love ko na pala siya!" sabi ko sabay tawa.

Tumingin naman ako kay Dylan na parang gulat na gulat sa nakita niya. Eh hanggang ngayon eh nakatunganga lang sa kawalan.

"Huy Dylan? Anyare sa iyo?"

"The silver necklace..."

"Dylan? Okay ka lang ba?"

"The necklace that is exactly the same as mine..."

"Ang ibig sabihin..." kabado kong sabi.

Bigla naman nanlaki ang mata ko. Shete, wag mong sabihin si Dylan si Ty---

"IKAW SI TYRENCE?!" gulat na gulat kong tanong.

Bigla naman siyang tumawa. Hindi lang lang tawa, malakas na tawa. F*ck. He's playing games with me. Bwisit. Seryoso ako dito tapos nagbibiro lang pala siya.

"Hahahaha priceless face Ri-----"

*Bogsh*

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko na si Dylan. Sorry to say pero wala sa lugar ang biro niya. Nakakabwisit.

"Next time don't do that again or else I'm going to kill you." sabi ko at nagwalk out.

Pumasok na ako ng mall pabalik. I need to cool myself down. Nakakainit kasi ng ulo si Dylan! Sarap bugbugin at tuluyan na eh. Insensitive ba ang taong yun?

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon