Wala naman akong nagawa kundi umiyak. Bakit ba kung kelan ayaw mo ng umiyak, at saka may nagtutulak sa'yong umiyak? Ang sakit sakit na ng mata ko. Nakayakap lang ako sa kanya ngayon at basang-basa na ang damit niya sa dami ng luhang pumapatak.

"Can you tell me, how can one miss what she's never had?

How could I reminisce when there is not past?

How could I have memories of being happy with you, boy?

Can someone tell me how can this be?"

Nung kumanta si Ate, naramdaman kong umiiyak na rin siya. Nagcacrack na kasi 'yung boses niya. Sa kanta niya, ramdam na ramdam ko 'yung lungkot sa boses niya.

"How could my mind pull up incidents

Recall dates and times that never happened?

How could we celebrate love that's too late

And how could I really mean the words I'm about to say?"

Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Alam kong kailangan niya rin 'to ngayon. 'Di man halata na may problema siya, alam ko. Nararmdaman ko. Siguro ayaw niya lang makisabay sa pag-iyak ko. Alam kong may problema rin siya.

"I miss the times that we almost shared

I miss the love that was almost there

I miss the times that we used to kiss

At least in my dreams just let me take my time and reminisce"

Habang kinakantahan niya ako, sobrang nalulungkot rin ako para sa kanya. Gusto ko rin siyang icomfort pero 'di ko kaya ngayon. Sarili ko nga, 'di ko magawang patahanin. 'Yung iba pa kaya?

Ang alam ko lang, nakatulog ako sa pagkanta niya.

"I love you, Ven. Kaya natin 'to. I know you're strong. So am I. Good night." 'Yun ang huling narinig ko sa kanya bago ako nakatulog.

***

Start the day right.

Walang dapat isipin. Magpapaka-GC nalang ako. Itutuon ko na lang kahat ng pansin sa grades ko. Baka bumaba ako dahil sa stress.

Tutulong nga pala ako ngayon sa preparation ng JS namin dahil 'yun ang punishment. Actually, 2 days na lang talaga at JS prom na. Pero bakit ganun? 'Di ko mafeel. 'Yung classmates ko, kinikilig dahil daw inaaya sila ng mga crush nila na maging date for that night.

Okay. Eh di sila na.

Actually dito lang sa school gaganapin yung JS. Meron kasi kaming hall for events like JS. Pumunta ako sa Event Hall at tinanong ko sa mga coordinator kung anong matutulong ko.

Actually, naeexcite rin ako sa pagdedesign. Kasi nga, passion ko 'yun. Mahilig akong magdesign. Pinaayos sa akin 'yung balloons and curtains. Ang cute nga ng mga kulay eh. Nagbeblend talaga.

Habang nag-aayos ako ay nakikinig lang ako sa usapan nung mga coordinator. Super kinacareer talaga nila ang pag-aayos kaya natutuwa ako. Kaso napatingin kaming lahat nung may pumasok sa pintuan.

"Ms. Gabriel, tawag po kayo ni Ma'am Ferrer," sabi nung babaeng pumasok.

"Ah okay, sige pupunta na ako," sabi naman ni Ms. Gabriel, 'yung head coordinator for the JS Promenade.

Kaso hindi ako nakatingin sa kanya kundi dun sa nagsalita. Parang bumigat na naman 'yung puso ko. At mas nagulat ako nung napatingin siya sa akin.

"Ven..."

Namiss ko 'yung boses niya habang tinatawag ang pangalan ko. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin pero 'di ko magawa.

In the end, nginitian ko lang siya at bumalik na sa pag-aayos.

  

Zie, miss na miss na kita.


***

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now