Chapter 28 (Cyan's feelings xx)

323 15 14
                                    

N and C battle xx


-


Allison's POV


Simula kagabi hanggang ngayong pagkagising ko hindi ko pa rin makalimutan ang paghalik sa akin ni Cyan.


"I'm going, take care." Biglang sabi ni Nathalie na nauna ng maglakad sa akin.


"Wait Nathalie! Sabay na tayo pwede?" Simula kasi kagabi hindi pa kami nakakapag-usap. Masyado pa akong lutang.


"Okay." Isang sagot na nakapagpangiti sa akin.


"Galit ka ba sa akin?" Bigla kong tanong ngunit umiling lang siya sa akin.


"Bakit parang iniiwasan mo na ako?"


"What's your relationship with Cyan?" Ugh! Ba't ganyan yung tanong niya?


"We're just friends."

"Oh, okay." Okay na naman?

"Bakit mo natanong?"

"Nothing. Let's go." Sabi niya tsaka nauna ng lumabas sa condo.

Ano ba kasing problema, Nathalie? Nafifeel ko na may problema eh.

-

Pagkarating palang namin sa university, nakikita ko na sila Cyan at Aubrey sa bungad ng gate namin.

"Alliiiii!" Tumakbo papunta sa amin si Cyan tsaka ako hinawakan sa kamay.

"Nag-almusal ka na?" Parang hindi niya nakita si Nathalie dahil ako lang talaga yung nilapitan niya, ano na naman kayang ginagawa ng babaeng ito dito?

"Oo." Simpleng sagot ko na nagpangiti ng sobrang lawak sa mukha niya. Napatingin tuloy ako sa labi niya, oh my shit! Parang nararamdaman ko na naman yung labi niya sa labi ko.

"Sam-" hindi natuloy ni Cyan ang sasabihin niya dahil umalis na bigla si Nathalie kaya naman hinabol ko siya at iniwan si Cyan doon.

"Nathalie wait!" Habol ko sa kanya, ang bilis bilis niyang maglakad.

"Leave me alone!" Sa sobrang lakas ng pagkasigaw niya sa akin ay halos lahat ng tao napatingin sa amin. Napahinto rin ako sa paghabol sa kanya.

Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad pero hindi patungo sa school kundi sa ibang direksyon. Saan siya pupunta?

Hahabulin ko na sana siya pero may biglang kumapit sa kamay ko at in-intertwined ito sa kamay niya.

Lumingon ako kay Cyan na ngayon ay nakangiti ngunit makikita mo sa mata niyang malungkot siya.

"Hatid na kita sa may gate?"

"No thanks, kailangan kong sundan si Nathalie." Tsaka ko tinanggal ang kamay niyang nakahawak pa rin sa akin.

Ayaw ko na sa pinapakita niya sa akin. Nararamdaman ko na parang may gusto siya sa akin. Hindi naman siya magiging ganito kung hindi diba? Hindi siya mag-eeffort na kitain ako araw-araw kung hindi niya ako gusto.

Dumiretso na ako sa pinuntahan ni Nathalie at nakita siyang naglalakad pa rin hanggang ngayon. Saan ba siya pupunta? Hindi ba siya papasok?

"Nathalie!" Hingal na hingal na ako kakatakbo.

"Pagod ka na ba?" Sa wakas naabutan ko na rin siya pero nakakapagtaka yung tanong niya. Double meaning ata.

"Syempre, nakakapagod ka kayang habulin!" Sabi ko kaya naman bigla siyang tumigil sa paglalakad.

The Girls (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon