5. Malas ba siya?

24 0 0
                                    

♡Dian's POV♡

"Bakit kayo ang nandito-"

Mula sa pagkakaupo sa People's Park kung saan siya nakaupo ay narinig niya ang boses na iyon. Mukhang pamilyar kasi ang boses na iyon sa kanya at hindi nga siya nagkamali. Ang babaeng nakasalubong niya noon. Mali mang makinig ay hindi niya napigilan masarap kasi sa pandinig ang boses na iyon kahit na mukhang asar sa dalawang kausap nito.

"Ang iingay niyo bakit kasi-"

"Zeph, asan na ba iyong lalaking nireto ni Ran2-" saad ng isang lalaki na pinakamatangkad sa mga ito.

"Huwag niyo ng pakialamanan ang diskarte ko"

"Pero dapat palitan mo na si dikk as your favorite nandito naman kami" saad naman ng isa na para bang pamilyar ang mukha sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya nakita. What did he expect?

"Inabandona ka na ni Dikk kasi pinagpalit ka kay Alina"

"Ano?" tanong ng babae sa kausap.

"Ano iyan hindi naintindihan? Tumawag si Alina bago pa man makapunta si Dikk dito kaya sa pakiusap niya kami ang nandito"

"Umuwi na kayo!" Bigla lumakas ang boses na saad ng babae.

"Sige iiwan ka namin. Maglilibang na muna kami" payag naman ng kausap nito.

"Maglilibang doesn't sound nice to me huwag kayong magkalat ng laway niyo rito"

"Zepth, sweetheart matino na kami ngayon. Diba, Rap-rap"

Bago pa man makasagot ang babae ay nakaalis na ang dalawa na tatawa pa at naiwan ito na halatang naasar sa gawi ng dalawa.

"Ang sarap talaga ipa-murder ng dalawang iyon-" saad nito at napabuntong hininga.

"Lancer?"

Lalapit na sana siya rito ng magbago ang isip niya. Nakuha rin kasi ang atensiyon niya sa tinitignan nito. Sa di kalayuan sa may swing ay nakita niya ang ate niya kasama ang isang lalaking hindi naman niya kilala. Base sa usapan ng dalawa ay mukhang close ang mga ito. Makaraan lang ay umalis din ang mga ito kasama si Rancey ang pamangkin niya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Lancer?"

Kahit medyo asa kalayuan ay sigurado siyang ang pinsan niya ang nakikita. Napakunot ang noo niya ng makita itong may kasamang babae at isang bata. Ano kaya ang kaugnayan nito sa babae? Hindi kaya ito iyong babaeng sinasabi nitong hindi nito puwedeng ariin dahil pag-aari na nga ng iba?

Lalapit sana siya pero nagbago ang isip niya, alam niya kasing hindi gugustuhin ng pinsan niya na makialam siya sa pagkakataong iyon. Kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawa at sinasabi ng pinsan niya rito sana maging maayos ang lahat. Napatingin naman siya sa gawing kanan at naroon ang inaabangan niyang si Vince. Nasa may tabi ito at busy sa pag-sketch ng kung anong bagay. Pinagmasdan niya ito at dinama ang sarili kung may mararamdaman siyang kakaiba kapag tinitigan niya ito. Wala siyang naramdamang kakaiba. Kahit naman kasi desperado siya ay naniniwala pa rin siya sa love. Napagdesisyunan niya itong lapitan para malaman niya kung may epekto ba ang lalaki sa kanya. Humakbang siya palapit dito at hindi niya napigilang kabahan hindi dahil may nararamdaman siyang kakaiba kundi sa kaalamang first time niyang gumawa ng first move para lang mapansin ng lalaki.

"Ouch!"

Pero hindi talaga siya suwerte dahil kung kailan malapit na siya sa lalaki ay saka naman siya may nakasalubong at nakabangga. Hindi niya alam pero pagkaamoy niya rito ay may umalingasaw na chemical na bigla na lang nakapagpahilo sa kanya.

He must be my oneWhere stories live. Discover now