2-siya na nga...

61 0 0
                                    

“Hello...Ate? Kailan ka pa nakabalik? Bakit hindi mo man lang sinabi at nang nasundo ka sana namin ni Gabbe? Oh, really?”

Natuwa naman siya na after tatlong taon sa France ay nagbakasyon ito kasama ang asawa at ngayon ay dala pa nito ang anak nito.

Gusto na tuloy niyang umalis agad para makita ito pero sinabi naman niyang mamaya pa at may kailangan pa silang tapusin ni Gabbe. And he knows it is a matter-of-life and death for Gabbe. At iyon ay ang pinakakahintay nitong matamis na “Oo” ni Reena. Gabbe is already  28 years old at sabi nito kahit nakakahiya sa kanya ay uunahan na siya nito sa pag-aasawa.

Wala naman iyong problema sa kanya. Hindi naman kasi siya nagmamadali. He is already 30 years old at kahit hindi niya aminin ay alam nito at buong pamilya na umaasa siyang babalikan pa siya ni Coline. Mahal kasi talaga niya ang babae. He can’t force himself to forget her. Siguro nga tanga siya dahil alam niya meron na itong kasintahan sa London gaya nga ng ipinagmalaki nito sa Facebook. He forced himself to smile.
Nagsisi talaga siya kung bakit hindi siya nagkapagtapat. Napabuntong hininga siya bago tuluyang nagpaalam sa kanyang ate.

Pagbalik niya ay natapos na ang proposal. Nagpaalam na rin si ZH na may nakakaasar na ngiti sa mukha nito. Dahil gusto na niyang umuwi at makita ang pamangkin ay hindi na niya pinansin ang ngiti ni ZH. Pagkauwi ay hinarang siya ni Gabbe na halatang asar sa kanya.

“Kuya, sayo na iyang video na kinuha mo wala naman kasing nakuhanan na maganda”
 “Paanong?”
“Sige na, aalis na rin kami pero advice lang panoorin mo ulit at ng magka-idea ka sa sinasabi ko… para kasing i-di-ni-deny mo pa”

Hindi na siya nakapagsalita  ulit dahil naglakad na ito palayo kasama si Reena.

“Ano naman kaya iyon?”

Ang balak sana niya na pumunta ng kusina at kumain ay nag-iba dahil  na-curious siya masiyado sa sinasabi ng kapatid. Nagtuloy siya sa entertainment room na pinakapaborito niyang lugar sa kanilang bahay.

Doon kasi siya mahilig manuod ng kung anu-anong pelikula. Para ngang mas silid pa niya iyon kaysa silid niya na nasa kabilang silid lang dahil doon siya laging nakatambay kapag walang ginagawa.

Para na rin kasi iyong sinehan sa laki ng TV na ipinasadya talaga ng Papa nila. Sandamamak din ang mga poster na nandoon ng kung sinu-sinong artista na hinangaan niya at ng pamilya niya.

Sa paglipas ng panahon siya na lamang ang madalas na pumunta doon. Noon kasing mga bata sila linggo-linggo ay nanunuod silang buong pamilya para sa bonding moment nila.

Pero dahil lumaki na sila at nakapag-asawa na rin ang ate niya ay minsan-minsan na rin sila nagkakaroon ng oras para sa isa't-isa.

Minsan hindi rin niya maiwasang isipin ang mga pagkakataon na iyon. Lalo na iyong time na kasama niya ang bestfiend niyang si Coline na lagi niyang kasama sa lugar na iyon. Na naging isang importanteng parte ng bahay dahil iyon ang saksi sa lihim niyang pagmamahal at kasiyahan niya tuwing kasama niya si Coline noon. Na biglang nawala ng magpasiya ito at ang pamilya nito na lumayo at manirahan sa ibang bansa.

“Hay…Bryce… memories again…”

Memories na mahirap bitawan. Mahirap kalimutan. Wala naman siyang magagawa kahit ano ang pilit niyang gawin napakahirap talagang kalimutan ang mga magagandang alaala na iyon. Iyon na lang kasi ang natitira niyang alaala na puwede niyang sabihing kanya kahit alam niyang pag-aari na ng iba si Coline. Ikakasal na raw kasi ito sa FilAm na boyfriend nito doon.

Sinabi niya sa sarili niya na bibigyan niya ang sariling makapagtapat at makapagpa-alam na rin dito sa huling pagkakataon. Hinihintay pa kasi niya ang approval ng pamilya niya na makaalis ng bansa. Sinabi kasi ng mga ito na baka masaktan lang siya. Pero patuloy ang pagkumbinse niya na kaya niya at dapat suportahan na lang siya kung ano ang gusto niya. Sana nga maintindihan siya ng mga ito…

 “Hay…”

Napabuntong hininga siya at iniayos muna niya ang set-up ng papanooring at bago naupo sa may sahig para manuod.

Sa simula ay wala naman siyang kakaibang nakita maayos naman ang mga kuha niya. Nakakunot lang ang noo niya dahil para bang nahihirapan ang kapatid niya sa pagtatapat.

Hindi niya ito masisisi dahil si Reena lang ang nag-iisang babaeng niligawan nito. Halos lahat ng babaeng dumadating sa buhay nito ay ang babae ang nanliligaw.

Pero ang sabi nga nito iba si Reena sa lahat ng babaeng iyon. Noong una raw challenge lang ang tingin nito sa babae dahil bukod tanging ito ang hindi pumansin sa nag-uumapaw na sex appeal ng kapatid  gaya ng sabi nito. Pero sa paglaon iba pala.

Siya kaya? Kailan kaya mapupukaw ng kung sino ang atensyon niya?

Pero hindi na niya na naituloy ang pag-iisip ng marinig niya ang boses na iyon ni Hans.

 “She is Zephira Lovez, ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko. She’s one of a kind. I always promise to take good care of her. I call her Dikk, short for Addict sabi kasi ng iba she’s unusual at saka kaya niyang gawin ang lahat kapraningan man o katangahan. I also call her sweetheart because she is very dear to my heart. Palibhasa my mom died when I am still ten years old kaya alam mo iyon para ko na iyang Nanay kahit na mas matanda ako ng tatlong taon jan. Lahat gagawin ko para sa kanya kaya nga sa gagawin kong ito I hope she could forgive me…”

He must be my oneWhere stories live. Discover now