1. Love search

39 1 0
                                    

♡Dian's POV♡
"Look!!! Bakit ba ganyan ka kung makapanlait, For Pete's sake you didn't know him?Ano ba ang problema mo sa kanya?
"What...salamat..."saad ng babae sa kanya pagkaabot niya ng folder na nahulog nito. Hindi gaya ng mga napapanuod niya lagi na sa tuwing may na babae at lalaki ay magkakatinginan ang mga ito. Hindi iyon nangyari dahil hindi man lang siya tinapunan nang tingin ng babae dahil busy ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito.

Samantalang siya ay napatitig talaga rito na sinundan pa niya talaga ng tingin habang palayo ito.

The woman is simple in a glance pero kapag tinitigan mo ay malalaman mong maganda ito and yeah she is one of the most beautiful girl he ever laid eye on.

Siya nga na hindi talaga tumitig nang matagal sa kahit sino ay bigla na lang nagkainteres sa isang babae na ngayon lang niya nakita. Hindi siya mahilig magmemorya ng mga mukha ng kahit na sino, naniniwala kasi siyang people just come and go.

Walang nagiging permanenteng taong nanatili sa buhay mo. May dumadating at may umaalis kaya naman nasanay na siyang hindi masiyadong nakikipaglapit sa mga taong dumadating sa kanya. Baka kasi masaktan lang siya.

Sabi kasi niya sa sarili hindi na niya ulit hahayaan ang sariling maging involve sa isang tao- baka kapag nasanay na siya na nasa tabi nito, sa huli ay iiwan lang siya.

Tulad ng nangyari sa kanila ng bestfreind niyang si Coline.

Mula pagkabata hanggang sa huling taon ng High School ay magkasama sila. Minahal niya ito at hinayaan niya itong maging parte ng buhay niya hanggang sa puntong inasam niya na ito na ang maging kasama niya habang buhay.

Ang akala niya kasi mananatili talaga ito habangbuhay sa buhay niya, pero nagkamali siya dahil iniwan siya nito. Nag-desisyon kasi ang buong pamilya nito na manirahan na lang sa London for good.

Ang pangako nitong hindi siya kakalimutan at lagi itong makikipag-communicate ay unti-unti na nitong nakalimutan hanggang sa minsan na lang ito sa isang taon makaalala.

Kaya naman ng mag-college siya kahit na tinagurian siyang sikat o Campus Figure ay hindi pa rin niya in-allow ang sarili na maging emotionally involved sa kahit sino. Piling mga tao lang kasi ang mga naging mga kaibigan niya.

Pati sa babae ay hinahayaan lang niya ang mga itong dumating at umalis sa buhay niya. Kapag nakikipagrelasyon siya sinasabi niya agad na walang aasahan ang mga ito sa kanya. Palibhasa umaasa pa rin siyang babalik pa si Coline at maiisip nitong sila pa rin ang nakatadhana.

Kaya naman pati panliligaw ng babae hindi niya alam dahil mga babae ang lumalapit sa kanya. Kaya siguro sumablay siya noon kay Coline.

********************************************************************************

"Dian Bryce..."

Napatingin siya sa taong nakasalubong niya. Napakunot ang noo niya. Saang lupalop kaya sumulpot ang lalaking ito.

Zheyhans, one of his college friend. Isa ito sa mga naging ka-close niya noong College na naging mahalaga na rin sa kanya.

Dito niya rin natutunang huwag masiyadong seryosohin ang buhay. Happy-go-lucky lagi ang drama nito. Para bang lahat ng problema ay idinadaan nito sa biro. Pati sa babae ay para bang laru-laro rito.

Palibhasa playboy kaya kahit sino atang babae liligawan nito. Pero kahit ganun hindi naman ito two-timer hindi lang ata nagtatagal ng isang araw ang isang babae sa buhay nito.

"Zheyhans?"

"Kung makapagreact ka parang hindi tayo nagkita last month...Sino ba ang-"

Agad niya itong hinila palayo baka kasi makita pa nito ang babaeng tinitignan niya at ligawan pa nito. Minsan lang siya magkainteres sa isang babae at ayaw niyang dahil sa kaibigan ay masaktan ito.

"Wala, halika ka-"

"Hindi ko alam pero feeling ko-"

"Sige na-" saad niya at pinauna muna niya si Hans na maglakad bago pinulot ang isang bagay na alam niyang sa babaeng nakabangga niya. Tumingin siya sa daang tinahak nito at kahit umaasa ay wala na ang babae.

"Kuya saan ka ba nagpunta? Hindi ako makapagsimula dahil wala ka"

Hindi na lang siya nagsalita at hinayaan na itong maglakad palapit sa may soccer field.

Siya naman ay hinanda na ang camera para kunan ang proposal nito sa babaeng limang buwan na rin nitong nililigawan na si Reena.

And hopefully sa gagawin nito ay sagutin na rin ito ng babae. Kahit nangangawit at nakukulili na ang tenga niya sa kuwento ni ZH ay patuloy pa rin siya sa pagtutok ng camera sa kapatid. Bigla na lamang tumunog ang cellphone niya kaya sa pagpresenta ni Hans ay dito niya ibinigay ang camera.

"Ayus-ayusin mo iyang pagkuha..."saad niya bago niya tuluyang ibinigay ang camera rito

"Walang tiwala sa akin, ganun?"

Iniwan na niya ito at sinagot ang tawag.

He must be my oneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang