AWOTH SPECIAL 2: A Whisper to His Heart

Start from the beginning
                                    

     So it was up to him now… If he had the same reasoning like her he would travel hell and back just to run after her.

     Her happy ending… Her fairytale now was all up to a man named Hezekiah Ford.

-----------------------

     NAWAWALA SIYA, SI CHINA, SA BARCELONA!

      “Anak ng kamote!” Naiinis na pinagsisipa niya ang daanang aspalto habang patuloy ang paghahanap ng mga mata niya sa nag-iisang taong kilala niya sa bansang iyon.

      “Diiiinnnng… Ang BATOOOOO!” paungol na sambit niya ng paulit-ulit habang naglalakad… nagbabakasakaling lumabas ang bato.Buti pa ang ibang tao doon parang kabisado nilang lahat ang pasikoy-sikot ng LA RAMBLA. Siya lang ang muhkang blanko at nawawala doon.

     Hindi niya naiwasang hawakan ng mahigpit ang strap ng sling bag niya habang dinadagsa ang utak niya ng iba’t-ibang senaryo sa kung anong posibleng mangyari kapag tuluyan na siyang nawala sa BARCELONA. Dapit-hapon na noon at hindi niya alam kung sisikatan pa siya ng araw sa Pilipinas.

      “Lord, promise, i-me-memorize ko na ang Panatang Makabayan, pauwiin mo lang ako ng Pilipinas.”

     Masakit ang pang tumigil siya sa paglalakad at takot na nanatili na lang sa isang gilid. Wala siyang telepono para tawagan ang BATO. Paano siya tatawag sa DFA? OWWA? EMBASSY? ABS o GMA para humingi ng tulong? Wala din siyang pera dahil lahat ng pera ay hawak ng bato.

     It was supposed to be her honeymoon… with THE ROCK.

     Oo. KASAL NA SIYA KAY THE ROCK. Hindi yung wrestler. Ibang bato ito.

     Nanginginig ang bibig at umaalat na ang loob ng bunganga niya dulot ng nagbabadyang iyak niya. KASALANAN ITO NI HEZEKIAH FORD. Ano kasing masamang talbos ang nakain niya ng araw na iyon para sagutin ito ng isang matamis na OO gayong hindi naman sila mag-on!?

     She calmed down instantly despite her disposition once she reminisced the weeks past especially the day he proposed.

     It was just an ordinary day that flipped her whole world upside down.

      “Will you marry me.”

     Nasa punenarya siya ng araw na iyon ng marinig niyang sinabi iyon ni Hezekiah Ford. He stood in front of her that day like a dream. Try as she might rub her eyes off he didn’t disappear. He just stood there so painstakingly handsome as always saying absurd things that made her eardrums bleed.

     It was a week after his mother’s death anniversary.

A Whisper of the Heart - COMPLETEDWhere stories live. Discover now