Movie

46.7K 1.7K 255
                                    

30



Ilang beses na katok ang nagpatayo sa akin mula sa pagkakahiga ko. Noong binuksan ko ang pintuan ay naroon si Aidan at sinilip ako. I saw how he stared at me, silently asking if I am fine already. Hindi ko alam kung ano ba ang maisasagot ko doon kaya yumuko na lang ako para itago ang mukha ko.


"Gusto mong manuod ng pelikula sa baba? Inayos ni Lolo Domeng iyong cable." Aniya. Maliit na ngiti ang ibinigay ko bago tumango.


"Sure. Magbibihis lang ako."


"I'll wait for you downstairs Ma'am." Sagot niya at nagpaalam. Noong makaalis siya ay binuksan ko ang bintana para makapasok ang malamig na hangin. I stared at the skies just to look at the stars tonight.


Umihip iyong hangin at sabay kong ipinikit ang mata ko roon. When I opened my eyes, I saw the north star shining brighter than the others. I felt that nagging pain once again. Bansot..


I need my north star bansot. I need you now. I am feeling so lost without you. I need you to come back home.


I miss you so much. Sometimes, I dream of you at night and long for you in the morning. Every second that you're not with me, I silently wish to the north star to bring you back. You are the owner of my heart, my only rule.


Ilang sandali ko pang pinanood iyong langit bago ako bumalik sa loob. Kumuha ako ng makapal na sweater at pajama. I bun my hair and went out of my room. Nasa gitna pa lang ako ng hagdanan noong makita ko si Aidan na inihahanda iyong sofa niya.


May makapal na mat siyang inilatag sa sahig, mga taco, chips at iba iba pang junk para sa panonood ng movie. Lumapit ako dito habang siya ay abala sa paghahanap ng maganda cable channel.


"What do you want to watch Ma'am?" tanong niya. Inabot niya sa akin ang tortilla at ang sauce nito. Kinuha ko iyon at inilapag sa aking hita.


"Anything."


"Hmmn." Anas lamang niya at naglipat ulit ng channel. Sa huli ay pinili niya iyong Disney movie na beauty and the beast. we were silent for more than half of the movie. Nakaupo lamang ako habang siya ay nasa tabi ko, tahimik na nanunuod.


Noong sa parte kung saan nagsasayaw na sina Belle at ang halimaw ay napahinto ako. I smiled while watching the stupid cartoon. Somehow, I can relate to the movie. The beast was ugly, scarred, and wounded but still Belle loved him.


Maybe the world is not really harsh. Maybe the world is caring. No matter how bad a person is, somebody would still love him. Somebody would still accept him, no matter how flawed he is. That's the gift of the world.


Niyakap ko ang mga binti ko habang nanunuod pa rin. I peeked at Aidan who was busy looking at his dogtag. Noong mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis niyang ipinasok ulit ang kwintas sa kanyang tshirt.


I stared at his face. He has this deep brown eyes, firm jaw, pointed nose, thick brows. Kapag pumipikit ako minsan ay naiisip kong siya si Ashton. Even their voices have that same tone in it.

First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon