Kill

40.7K 1.4K 82
                                    

18



"I want a new set of bodyguards Pa. Gusto kong babae lahat sila. I want a thorough background check on them before we hire them." Anas ko. Si Papa ay naiwan lamang na nakatitig sa akin, inaabangan kung ano pa ang susunod kong gusto.

I bit my lip as I felt my palm curling against my skirt. Huminga ako ng malalim para maalis iyong bigat na naiwan sa dibdib ko. No matter what happens, the betrayal and torture I felt because of Ashton will never fade. Iyon lang ang alam ko sa ngayon.

"Serise, anak." Tawag ni Papa sa akin. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumipat para tabihan ako sa sofa. He took my hand and I did my best not to pull back.

He held me tightly before sighing.

"What's wrong with Ashton?" masuyo niyang sabi. umiling lamang ako.

"Sese"

"Wala pa."

Tinitigan niya ako ng diretsyo sa mata. "May sinasabi ang mga kapatid mo sa akin . Tungkol sa inyo ni Ashton." Huminga muli siya ng malalim. "Serise, if that man makes you happy, then—"

"Pa!" sigaw ko na. How can he make me happy? How can he make me happy when he lied? He wanted me dead. He is going to kill me!

My body shook again and I curled my hands into a fist. I closed my eyes tightly before looking at my father.

"Was it this painful? When Mama left you to save AEGGIS, when she lied to you, was it this painful?" I asked my father. Papa stared at me for awhile before smiling.

"Damn it. My princess is now a full fledged Montreal huh? Nasasaktan ka na ng batas mo."mangha niyang sabi. I pursed my lips and stared at him hard. Tama bang pagtawanan ako Pa?

"It works that way Se, hindi natin maiiwasan yan. The only thing that can hurt us is love, Serise. When we love, we give that person the power to crush us into pieces. That's just the reality of it and we can't do anything but to accept it." Paliwanag niya. I slumped on the sofa before shaking my head.

"Your family's rule sucks." Anas ko na lamang. Ginulo ni Papa ang buhok ko at tumayo na.

"Serise, with or without the rule, you always have to remember that all of us deserve happiness. Karapatan nating maging masaya. It might be a priviliege, but it is also free. You just have to choose it." Aniya bago ako iniwan sa kwarto.

Naiwan lamang akong mag isa roon habang iniisip ko iyong huli naming pag uusap ni Ashton. Aaminin kong hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwang pero dala iyon ng takot ko.

Papa is right. Siguro nga ay dapat pinakinggan ko muna ang paliwanag niya. Because of my fear, I became unfair. Pero ganoon naman talaga hindi ba? People forget fairness when fear is just hiding around the corner. We crave for our own safety, our own protection, that we fail to remember that there are others who might get hurt too.

Noong lumabas ako sa kwarto ay naroon si Ashton habang kausap sina Leroy at Rex. Sabay sabay silang tatlong tumigil sa paglabas ko. Ramdam ko ang panunubok ni Ashton na hulihin ang mga titig ko pero hindi ako nagpatinag.

"Rex." Tawag ko sa aking guard. Agad itong tumayo.

"Ma'am?"

"Ihanda mo na iyong kotse. Babalik na ako sa unit." Utos ko. Tumango lamang ito at lumabas. Tahimik na sumunod si Leroy dito.

Dumaan ako sa tabi ni Ashton at agad nitong hinuli ang aking braso. "Serise.."

"Bitawan mo ako Santillan." Malamig kong sabi. He sighed before letting go.

"Kinausap ako ng Papa mo. Nagpapapalit ka raw ng security team."

I rolled my eyes at him. Agad ko siyang hinarap. "Ano naman saiyo ngayon? Ah, mas mahihirapan ka ngayong patayin ako kasi di na ikaw ang guard ko, right?" I hissed. Namutla si Ashton bago umiling. Pumikit siya ng mariin bago napaupo na lamang.

"Yes, mahihirapan na nga ako niyan." Pag amin niya. My eyes went large when I heard his words. There, Serise. He said it already. He wanted to take your life.

"Noon pa man nahihirapan na ako. Hindi ko na dapat tinanggap itong assignment na ito." Aniya. I looked away before breathing hard.

"Tama lahat ng iniisip mo Serise. I was hired to kill you." He confessed. Sa sobrang gulat ko sa nasabi niya ay muntik akong matumba. Napadausdos na lamang ako sa sahig at napaupo roon.

"I can't tell you the reasons; it will be more dangerous for you. But Serise, please believe me. The moment I fell in love with you, I abandoned my mission. I changed my mission. I would rather die than see you bleeding, I swear. Putangina, hindi mo alam kung gaano ako natakot noong tinutukan ka ng patalim ng sindikato ni Phyton."

"Liar." I said. His face blanched before he smiled sadly.

Kinuha niya ang kamay niya ko at lumapit sa akin. Umupo rin siya sa sahig bago niya inilagay ang palad ko sa kanyang dibdib.

"Listen to this Ma'am. Feel it. Tangina this, but my heart beats only for you. Fuck, but a heartbeat cannot lie Serise." Aniya. Sinubukan kong hilahin ang palad ko noong maramdaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Ilang beses pa akong sumubok bago niya ako binitiwan.

Liar. Bullshit. He's pretending. Sinungaling siya.

Mali talaga ang naging desisyon ko na pakinggan ang paliwanag niya. Ngayong nalaman ko na ngang tama ang hinala ko, mas lalo lamang akong nasaktan. He was really sent to kill me. Iyon ang masakit.

Akala ko ay nakahanap na ako ng taong susuporta at tatanggapin ako kahit na hindi ako ang pinakamagaling. I thought, for a moment then, that I am loved for being who I am. That someone chooses me now over my cousin. Pero mali pala ako.

Nag iwas ako ng tingin at tumayo na. Pinagpagan ko ang aking skirt at tinitigan siya ng matalim.

Nakita ko ang paboritong vase ni Mama na nasa ibabaw ng coffee table. Naglakad ako papunta roon at kinuha iyon. I traced the edges with my fingers before taking it. Sa isang iglap lang ay nabasag na iyon sa paanan ko.

"Serise!" sigaw ni Ashton. Ramdam ko iyong mga bubog na tumama sa aking binti. Kumuha ako ng isang malaking piraso at pinulot iyon.

"You wanted me dead right?" anas ko. Dumiin ang palad ko sa gilid ng piraso ng vase. Dumako ang kamay ni Ashton roon at sinubukan akong lapitan.

Iniumang ko sa aking pulso iyong bubog. I smiled evilly. "You wanted me dead right? Padadaliin ko na ang trabaho mo." I hissed. I felt the sudden pang of the pain on my wrist.

"Serise, please.."

"I.." I bit my lip to stop myself from telling him what I really feel. Hindi. My pride is all I have now. Hindi ko na iyon isusuko.

"I hate you. I hate your lies. I hate you so much." Nanginginig kong sabi. Iyong kamay kong hawak iyong bubog ay nagdugo na. Ashton was about to talk when I hear several footsteps rushing towards us.

"Se? Anong nangyayari dito?" narinig kong sabi ni Seven. Dumulas sa aking kamay iyong bubog at nabitiwan ko.

"Wala. I'm just firing my guard." Malamig kong sabi bago ito tinalikuran. Nakakailang hakbang pa lamang ako noong muli ko siyang nilingon.

"Huwag na huwag ka ng lalapit  o magpapakita sa akin, naiintindihan mo ba?" madiin kong sabi. Pulang pula ang mata ni Ashton bago tumingin sa duguan kong palad.

Napapikit siya ng mariin. "Masusunod Ma'am." He said before his voice broke. Hindi ko na hinintay pang magsalita siya. Kaagad na akong naglakad palayo rito.

First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now