TWO - The Pick-up Lines

435 18 3
                                    

Seven months later...

Pinagmamasdan mabuti ng mga kabigan ko ang maliit na bagay na pinatong ko sa mesa sa harap nila. Nakapinta ang pagtataka sa mga mukha nila habang tinitingnan ito at sigurado ako na ganito rin ang itsura ko noong unang beses ko ito nakita.

Kahit pa nakakausap ko na sila matapos ako pagnakawan ni Jeremy, ngayon lang ulit kami nagkita-kita kaya ngayon ko lang din nasabi ang tungkol sa pag-akyat ko ng bundok seven months ago. Hindi kasi iyon ang type ng kwento na sinasabi over the phone at hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako tuwing naaalala ko ang nangyari.

 Hindi kasi iyon ang type ng kwento na sinasabi over the phone at hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako tuwing naaalala ko ang nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bato 'to, 'di ba?" ang tanong ni Beatrice na nakaupo sa harap ko. Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot. "May sinabi ba si lola kung para saan 'to?"

"Good luck charm daw," ang sabi ko sa kanya.

"May ginagawa ba siya?" ang tanong naman ni Victoria na nasa tabi niya. "I mean, napupunta ka ba sa ibang lugar 'pag nahahawakan mo o meron ba ibang tao na humihina 'pag napupunta sa kanila 'yan?"

"Mukha naman hindi siya portkey o kryptonite, Vic," ang sagot ko sa kanya pero hindi rin ako nakakasigurado dahil ngayon ko lang pinakita ito sa iba at hindi pa naman ako napupunta sa ibang lugar tuwing hawak ito.

"Nasubukan mo na ba isubo?"

Natawa si Vic. "Tapos sumigaw ng 'Darna'?"

"Bakit hindi? Malay mo gano'n talaga 'yung silbi niya," ang depensa ni Bea. "O kaya subukan mo itanim, baka may beanstalk na lumago."

"Yara and the Beanstalk lang ang peg?" Bumaling muna sa akin si Vic bago sinabing, "Ano na ba na-try mo gawin d'yan?"

"Bukod sa titigan? Wala pa," ang sagot ko. Kumunot ang noo ko nang may naalala ako bigla at kinuwento na rin ito sa kanila. "Nakalimutan ko siya sa bulsa ko dati kaya nalaban ko pero mukhang wala naman effect; gano'n pa rin itsura niya."

"Subukan mo kaya sunugin, baka may biglang lumabas na maliit na dragon," ang banat ulit ni Bea.

"Ano ba, hindi naman itlog 'yan. Saka, kung may magiging mother of dragons man sa'ting tatlo, ako 'yon," ang sabi ni Vic habang hinahampas ang braso ng katabi niya. Tumingin muna siya sandali sa relo niya bago siya nagsalita ulit. "CR muna 'ko. Malapit na mag-umpisa 'yung concert, magbawas na rin kayo."

Hinintay muna ni Bea na tumayo si Vic at maglakad papunta sa banyo bago siya bumulong sa akin. "Mas bagay siya tawagin na 'mother of gremlins' kung magkakaanak sila ni Tandang Troll. Nakita mo na ba 'yun, Yara?"

Umiling ako sa kanya. Hindi ko pa nakikita nang personal ang boyfriend ng kaibigan ko pero, simula nang nagkaayos kami, madalas siya magkwento ng tungkol dito. At, dahil sa adjectives na ginagamit niya - matandang mayaman na hindi kagwapuhan pero mabait at sweet naman - parang na-imagine ko na rin kung ano ang itsura ng boyfriend niya kaya hindi ko masaway si Bea sa panlalait nito.

The Birthday WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon