Chapter 34

2.2K 39 2
                                    

Jason POV

Hindi ko alam pero parang nagbago yung pakiramdam ko pag kasama ko si Seven. Siguro dahil ito sa nakaraan niya. Pilit ko nalang iwinawalis sa isipan ko dahil dadating din ang panahon na magtutuos kami ng mga taong yun.

Narito kami ngayon sa terrace nila, pinaguusapan nila ang dahilan kung bakit silang lahat ay napasugod dito. Hindi naman pala talaga sila nakatira lahat dito. Yung iba nasa mga hacienda na nila. Si Third, Si Fifth, at Sixth lang pala talaga ang natitira sa Hacienda Bernadette.

Juan: Okey lang naman na magtagal ako dito. Namimiss ko din naman ang lugar na 'to. Saka kelangan tayo ni mama eh..

Seven: Kuya..? Bakit? May sakit ba si mama?

Lahat sila ay nagkatinginan, para bang naguusap sila sa tingin tingin lang. Mukhang alam nilang mahirap ang sitwasyon pag sinabi nila kay Seven. Lalo na't galing ito sa trauma niya kanina.

Jason: Seven, ipasyal mo nalang ako sa hacienda nyu. Para naman malaman ko kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa inyo rito.

Para naman nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Tsk. Ano na naman kaya naiisip nito.. Tskk...

Seven: Lika na sir malaktits!!

Tumayo na siya at hila hila ako patayo hanggang sa paglalakad ay hila niya ako. Mukhang excited siyang ipakita ang hacienda nila saken. Sabagay, baka namimiss niya lang din ang hacienda nila.. Bago kami maglakad patungo sa pupuntahan namin ay sumigaw siya sa mga kuya niya..

Seven: Paalam mga kuya!!! Magdedate kami ni sir malaktits!!!

Sabi ko na nga ba😑.. Iba na naman iniisip niya. Lagot na naman ako sa mga kuya niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi na siya naka-sadako ngayon. Mukhang si Third ang nagbihis sa kanya kasi mukha siyang normal. Lugay ang buhok niya pero nakaipit na ang buhok niya sa magkabilang tenga. Nakangiti siya na parang ang saya saya niya. Tapos naka sleeveless lang siya na hindi masyadong hubog at hindi masyadong loose. Nakasaya din siya pero hindi ganun kataas. Maganda namam talaga si Seven. Magkasinghawig man sila ni Eight, she is much more of her mom physically.

Naglalakad kami papunta sa kung saan. May nakikita kaming mga trabahador they would greet us. Kaya nga lang they all think na she was Eight. Hindi ko alam kung bingi ba siya o nagbibingi.bingihan. Pag kasi nag uusap ang mga trabahador parang tsismis sa kanila kung bakit naglalakad si Eight sa hacienda. Bakit ba? Doesnt she often visit their people? Or maybe its because what Seven is wearing, baka nagtaka sila at hindi maarte si Seven manamit.

Trabahador1: Miss Eight.. Magandang Hapon po...

Seven: Kamusta po kayo nanay?

See? Parang bingi lang. Nangangamusta agad kahit inakala ng isang trabahador na si Eight siya.

Trabahador: Maayos naman po ako, Miss.. Kayo po? Kamusta kayo?

Seven: Si nanay naman.. Anak kaya yung tawag nyu sakin dati. Bakit ngayon miss? Siguro miss moko nanay noh?

She was smiling innocently? See? Nakakabobo talaga si Seven kasama. She didnt even introduce herself first. tsk..

Trabahador1: Ikaw na ba yan, anak?

Tumatango tango lang si Seven. Hay nakuuu..

Trabahador1: Tingnan nyu mga kasama! Si Seven!! Si Seven natin...

Nakita kong niyakap siya ng babae at lumapit ang iba samin. Bakit parang sabik sila kay Seven?

Trabahador2: Kamusta ka na hija? Ang ganda ganda mo na..

Trabahador3: Boyfriend mo siguro yang kasama mo noh? Ayiii..

Seven: Hehehe.. Ano po yung boyfren?

My Tacky MaidWhere stories live. Discover now