Chapter 32

2.2K 30 0
                                    

Two POV

Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas. I was looking at the view. Hindi ko rin alam kung ilang oras ng umiiyak si Seven. I didnt even bother to get close para malaman kung okey na siya. After all those hard work we did para lang maging okey siya, one tongue slipped and still no one knows kung babalik pa siya sa present na kundisyon niya. Mahal ko ang kapatid ko, God knows how much. Kung kelangan ako nalang ang magkasakit, okey lang. Ill be doing fine, pero iba kasi pag si Seven ang may sakit. She survived death a lot of times already. May takot sa puso ko na anytime pag hindi na siya swertihin, she might be gone. Yun ang kinakatakot naming lahat. Seven is the sister we all wished to have kahit si mama, she always tell us before na pag may babae na kaming kapatid, we should always take good care of her. Dalawa silang binigay but God made a sign whom to care the most. I still remember that day..

(flashback)

We were all walking to and fro from were we are right now. Lahat kami. Ambabata pa namin pero alam na namin ang nangyayari. Andun kaming lahat, nag aaalala at nagdadasal na sana okey lang silang tatlo. Na pag matapos na ang ilang oras na paghihintay, all the three of them will be fine. Nanganganak na kasi ang mama sa kambal. Their genders were a surprise. Hindi tinatanong ni mama kasi she wants it to be a surprise. Kasi pag lalaki, we would all be 9 boys in her life, kasama si papa. Pero pag babae, may paglalaanan na kami ng proteksyon namin. Weve always been fine on our own, I guess thats the benefit of being a guy. You need to learn being independent and strong in an early age. Pero pag babae kasi dapat kami lahat alisto. We would all be her knight and shining armors. Gagapang muna sa putik ang lalaking magtangkang manloko kung babae ang ipinapanganak ni mama ngayon.

The doctor went out full of blood dun sa operating room. We gathered around para pakinggan ang susunod niyang sasabihin. Ineexpect ko na sasabihin niya na congrats, okey silang tatlo. May baby girls o kaya baby boys na kayo. Puno ng saya ang puso ko, I really admit that. Kahit halos mag iisang dosena na kami, excited pa rin akong marinig sa magiging mga bunso namin. How id love to hear coos and cries and look how small they are at parang mga anghel kung tumawa. Id love to see those again. Antagal kasing nasundan ni Six. Sabi kasi ni papa, kelangan daw may agwat, kawawa naman daw kasi si mama. And I guess that kind of patient gave us twins right now.

Doctor: I have good news and bad news..

Kumabog ang dibdib ko. I dont want to hear anything bad. Ayoko ng ganun. Mama was fine with all of us. Kaya 70% akong sigurado na okey lang siya. Sana walang nangyari sa mga kapatid ko.

Doctor: Good news is. Okey na si Mrs. Marasigan. She will be transferred immediately to a private room. Lumabas din ng normal ang mga bata. Two girls.

Dalawa. Ang swerte ko. Parang pangalan ko lang. Two. Hindi ko naitago ang ngiti ko sa nadinig ko. I cant wait to go the nursery and watch their faces. Kung sino sila nagmana this time. Sisiguruhin kong dalawa silang paglalaanan ko ng buo kong atensyon. Ill buy them girly stuffs, even dress up para sa ikaliligaya nila. I cant wait....

Doctor: The bad news is kailangan namin i.monitor yung isang baby.

I looked at the doctor seriously. Ano bang nangyari sa kapatid ko? Bakit kelangan i.monitor?

Doctor: Unang lumabas ang baby pero antagal po nitong umiyak. Umiyak lang po ito sandali after that she stopped cryinf tapos ang hina po ng heartbeat ng bata. Now its only her will to live. Ginagawa na po namin ang lahat.

Benedicto: Pwede na po ba naming makita ang mga bata, Doc?

Nakita ko sa mukha ni papa ang kalungkutan. Siguro dahil ayaw niya rin sa narinig niya. Sila ang unang anak ni papa na babae. Sila rin ang unang magiging kapatid ko na mga babae. At gusto ko rin sana manatiling dalawa..

My Tacky MaidWhere stories live. Discover now