"Are you out of your mind?!" Galit na tanung nya sakin.

Nakatingin na silang lahat samin.

"...Kilala mo ba kung sino yung hinamon mo?!"

Umiling lang ako. Wala naman akong clue kung sino yun. Basta tauhan sya ng Daddy ni Keifer.

"That is Dylan! He is a professional hitman!"

H-h-h-hitman?!

Hinamon ko yung isang professional hitman? Hinamon ko? HINAMON KO!

Muli na namang nanlambot ang tuhod ko at tuloy-tuloy ako'ng napaupo sa sahig.

"JAY!" Tawag nila sakin at inalalayan ako ulit pero sa pagkakataon na to wala na kong lakas tumayo.

Naka-harap ko si Kamatayan!

Ang lakas pa ng loob ko at ang yabang-yabang pa ng dating ko. Kingina! Kung hindi ako sinanto nun, putcha! Uuwi akong malamig na bangkay samin.

"M-m-muntik na ko dun." Sabi ko habang patuloy sa panginginig.

"Okay lang yan... Hindi ka naman natuluyan eh." Sabi ni Ci.

Gustohin ko man dagukan ang bata'ng to, hindi ko magawa. Hindi mawala sa isip ko yung ginawa ko.

"Asan si Keiren?" Singit ni Keigan samin.

Nanginginig pa ang kamay ko na tumuro sa lamesa'ng pinag-taguan ko sa kanya.

Agad namang lumapit si Keigan don at sumilip sa ilalim. Lumabas si Keiren at yumakap sa kanya. Lumapit din si Keifer. Mahigpit na yakap agad ang binigay nya sa mga kapatid nya.

Nakakabakla siguro tignan para sa iba. Pero para sakin ang lakas maka-gwapo nyan.

"Umalis na siguro tayo dito." Suggestion ni Drew.

Sumang-ayon naman yung iba. Inalalayan ako ni David pati sa paglalakad. Napatingin ako kila Aries at Ella. Nakatingin lang sila sakin at para bang meron silang pinag-uusapan.

Paglabas ng bahay, sinakay ni Keifer sila Keigan at Keiren sa kotse. Humarap sya samin at tinignan ako ng masama.

"Wag mo ng uulitin yun!" Galit na sabi nya sakin.

"Keifer! Ginawa lang naman nya yun para tulungan ka!" Pagtatanggol sakin ni Felix.

"Pano kung ginawa nga ni Dylan yung sinabi nya?!" Sagot nya.

Tumahimik kaming lahat. Tama naman sya dun. Panu nga kung tinuloy nya? Pero kung hindi ko naman ginawa yun, baka pirmado na yung papel at wala na yung pinaghirapan ng Mama nya.

"...You just gave them a new idea on what they should do next!"

Ewan ko pero nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib habang nakikinig sa mga sinasabi nya. Pakiramdam ko naging pabigat ako sa kanya.

"...Next time think before making some random action!" Dagdag nya at tuluyan ng sumakay ng kotse nya.

"Yaan mo na si Keifer... Nag-aalala lang sayo yun." Sabi ni David sakin.

Nag-nod lang ako bilang sagot sa kanya. Pero hindi kasi ganun yun.

Ang bigat kasi sa pakiramdam na ginusto ko lang makatulong pero parang naging dagdag problema pa.

"Wag mong masyado'ng isipin. Kahit ako magagalit siguro sa ginawa mo." Sabi ni Yuri. "...But thank you for doing that."

Ngumiti ako sa kanya. At least na-appreciate nya yung ginawa ko. Yun nga lang hindi sya yung ini-expect kong tao.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon