Chap/5

66 8 1
                                    

      Bettina

        Habang nagmamaneho ako papuntang Quiapo ng nag ring ang phone ko kaya dali dali kung kinuha. Buti na lang nakared light pa kaya nakahinto pa ako, si Laura tumatawag sa akin kaya dali dali kung sinagot.

      "O bakit ka napatawag?..."tanong ko agad.

     "Babae andito ako ngayon sa Baclaran kasi etong bestfriend ng Nanay ko nag pasama sa akin magsimba. Alam mo na thursday ngayon, ikaw asan kaba?..."tanong naman nya sa akin.

    "On the way sa Dawang girl..."sagot ko.

     "Sama ako girl after namin kasi magsimba alis na sila papunta Tagaytay eh. Ako naman di sasama dun lam mo na may work pa tayo. Girl daanan mo ako dito. Sige na please para may kasama ka naman..."pakiusap ni Laura sa akin.

    Naisip ko din, why not para may kasama ako, ang boring kasi ding mag isa. Buti na lang di pa ako nakalayo.

    "Oh sya sige, pasalamat ka di pa ako nakalayo. Papunta na ako dyan tawagan na lang kita pag nakarating na ako..."sabi ko kay Laura at ibinaba na ang cellphone tama naman na naggreen light na.

     Nag uturn na lang ako pabalik sa may Baclaran. Habang nasa byahe bigla ko tuloy naisip ang sinabi ni Mama nung isang gabi sa akin. Pero di naman siguro mangyayari  yung sinabi nya sa akin. Mga ilang minuto malapit na ako at naghanap na pweding mapagparkingan ng sasakayan ko. Pagkatapos ko magpark bumaba na ako at dali daling tinawagan si Laura pero di sya sumasagot baka nasa loob ng simbahan kaya nagtext na lang ako at pumasok sa loob ng simbahan dahil tama tama nag umpisa na ang second mass. Naghanap ako ng maupuan nakahanap naman ako agad, nakarecieve ako ng reply text galing kay Laura, nasa malapit daw sila sa harapan kaya after mass na lang kami magkikita. Nagtutuloy na ang mass hanggang sa natapos, sa isip isip ko ang sarap pala magsimba dito. First time ko kasi magsimba dito kaya naninibago ako. Maya maya tumayo na ako at nagtungo sa sindihan ng mga kandila para magsindi. Kumuha ako ng kandila at nagsindi, sa left side ko may napansin akong dalawang mag asawa na mukhang may kaya sa buhay at nagsindi din ng kandila. Pasimpli ko silang tiningtingnan pero nagulat ako ng makita ko si Clark. Sa isip ko, anong ginagawa nya dito sa Baclarana church? palihim ko sya tinitingnan, taimtim syang nagdarasal at nakapikit pa.

     "Ohmygod!..turn on naman ang lalaki to. Hindi ko alam na palasimba din pala sya.."sabi ng utak ko.

     Tinangnan ko parin sya nang iminulat nya ang mata nya ,nagkunwari akong di ko sya nakita at kunwaring nagdarasal. Pero di ko expect na nakita nya ako at nilapitan nya.

    "Hi!....bati nya sa akin agad.

     "Oh hi sir Clark, anong ginagawa mo dito?...."kunwari kung tanong.

     "Napadaan lang at nagsindi na lang. Ikaw ano ginagawa mo dito...?tanong din nya sa akin pabalik.

     "Nagsimba at saka dinaan ko na rin Laura nasa loob pa.."lumakad na ako palayo sa pinagsisindihan ko dahil medyo mainit.

     "Saan punta mo?..."tanong nya.

   "Ang init kasi lalabas na po..."sagot ko.

     "What I mean is saan ang punta nyo next after nyong magsimba?...habang nakasunod sya akin.

    "Sa Dangwa mag oorder ng mga bulaklak sa sa wedding this next weekend..."sagot ko sa kanya.

      Lumakad pa ako hanggang sa makalapit kami sa may mga nagkakabit ng lock sa harap ng inang birhin. Napahinto ako nakatingin sa dalawang magkasintahan na masayang nagkakabit ng padlock. Sa isip ko, paris lang ang peg ng mga to, pero napaitlag ako ng bigla nga tanong si Clark.

Love SpellWhere stories live. Discover now