Chapter 2

148 9 0
                                    

Bettina

Napaaga ang pasok ko sa opisina kaya dahil maaga pa nag bukas muna ako ng aking social media at nag aayos ng table ko. Isa pala akong wedding planner pati si Laura. Si Pat naman assistant namin pero si Pat din ang taga namin, taga salo ng problema namin,taga salo ng stress namin basta lahat ng taga sa kanya napupunta. At yung boss naman namin si Madam Carolina isa syang transgender, mabait at minsan may pagkaluka luka. Habang nakaupo ako naiisip ko na naman ang status ko ngayon, single at eto malapit na sa dead line. Iwan ko, bakit kasi pinaniniwalaan ko yung, ang pag ibig kusang dumarating hindi hinahanap at di minamadali. Kaya eto tuloy ako until now walang boyfriend, oo nagkaboyfriend ako nun pero siguro mga tatlong araw lang. Ang saklap no! tatlong araw lang simula nun hindi na ako nagkaboyfriend. Nagfocus na ako sa pag aaral at eto nagtatrabaho kahit hindi ganun kalakihan ang sahod pero tama naman sa sarili kung pangailangan. Nasa malalim akong pag iisip ng may bigla tumapik sa balikat ko.

"Hoy.!.."tapik ni Laura sa akin.

"Ay baklang kabayo! ano ba Laura pag ako intaki sa puso pag namatay ako mumultuhin kita.."singhal ko sa kanya sa pagkabigla ko.

"Betty girl ang lalim kasi ng inisip mo at kung saan kana nakakarating, lalaki naman yan ano?..."sabi ni Laura sa akin.

"Lalaki ka dyan. Simula ngayon hindi ko na sila iisipin at tanggapin ko na ganito na ako, matandang dalaga.."sagot ko kay Laura.

"Wow! kung anong drama teh ang aga aga..."sagot ni Laura na pinagtatawanan pa ako.

"Asan na ba yung baklang si Pat kasi...."di pa ako nakatapos magsalita nagtitili na si Pat na pumasok.

"Girls, girls...dali may ipapakita ako sa inyo..."sabi nya sa amin at hila hila na kami ni Laura.

"Bakla ang aga aga, nagtitili ka dyan. Ang sakit sa tainga.."saway ni Laura sa kanya.

"Bilisan nyo na baka sya na yung hinihintay natin..."sabi nya at mabilis na hila nya sa aming dalawa ni Laura.

Sumunod na lang kami sa kanya, maya maya pa nakita na lang namin na may paparating na dalawang gwapong lalaki kasama si Madam Carolina. Pareho kaming napaurong sa wall ng bumukas ang pinto at pumasok sila. Para kaming mga maniquen na nakadikit sa wall at hindi kumikilos, nakatitig lang kami sa mga pumapasok.

"Ohmygosh!..anong ginagawa ninyong tatlo dyan. Atakihin ako sa puso sa inyo.." gulat na gulat si Madam.

"Kasi palabas sana kami kaso naunahin nyo kami ng bukas ng pinto..."pasisinungaling ni Pat kay Madam.

Nakakatitig lang yung dalawang lalaki sa amin parang nagtataka sa mga pagmumukha namin. Hindi mo tuloy alam kung ngingiti sila o sisimangot na tinitigan kami. Sa isip isip ko, hum!..mga suplado. Aalis na sana ako ng biglang magsalita si Madam.

"Bettina sumunod ka sa akin sa opisina, ngayon na..."sabi ni Madam at naglakad kaunti.

"Eh kami Madam di mo ba kailangan?..tanong ni Pat na panay pacute.

"Nope, go back to your work..."sagot ni Madam sa kanya.

"Girl go back to our work daw, tayo na nga..."sabi ni Pat kay Laura na parang binuhusan ng suka ang pagmumukha at biglang umasim.

Niyaya na ni madam ang mga bisita nya at sumunod naman ako pero bigla akong hinawakan ni Laura.

"Girl, goodluck mukhang mga yamanin ang kleyente natin kaya ikaw na bahala..."bulong ni Laura.

Ngiti lang ang sagot ko sa kanya at dali daling sumunod kay Madam. Nang makapasok na ako sa private office ni Madam, bigla na lang silang tumayong dalawa. Sa isip ko, ay! gentleman sila, kaya lihim naman akong napapangiti.

Love SpellWhere stories live. Discover now