Nakaka three blocks pa lang siya nung huminto siya at hingalin. Nilagay niya sa magkabilang tuhod niya ang mga kamay at 'dun hinabol ang hininga.

I was still contemplating kung lalapit ba ako sakanya or not nung nagsimula ulit siyang tumakbo.

I had no choice but to jog after her.

She ran for another block. I found out na paikot pala 'yung route na tinakbuhan niya kaya hindi na niya kinailangan pang umikot pabalik sa bahay nila. 

It was convenient for her and I. Lalo na at hindi ko kailangang mag tago kung sakaling iikot siya pabalik. 

I stopped when I saw that she was few houses away from her house. 

Pero nagulat ako nung bigla siyang nadapa. Nakita ko kung pano siya naupo sa gilid ng daan at tignan ang tuhod niya. Hindi ko makita kung malaki ba ang sugat niya. 

Dali dali akong lumapit sakanya at huminto sa harap niya.

"Pandak na nga, lampa pa." Lumuhod ako sa harap niya, "patingin."

Tinignan ko muna ang mukha niya bago tumingin sa sugat niya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin.

Lihim akong napangiti. Gulat ka 'no?

"How d-did you know I live--"

"Wag assuming, nakakamatay." Tinuro ko 'yung bahay ni Justine, "I was going to come over when I saw you. Hindi ko alam na dito ka din nakatira." Pagsisinungaling ko. "Can you stand up?"

Tumayo siya at sinimulan ko siyang alalayan maglakad. Nasa tapat na kami ng bahay ni Hannah nang may lumabas sa katabing bahay. 

Tumatawang lumabas si Justine kasama 'yung lalaki na nakita kong ka holding hands ni Hannah.

Tumaas ang kilay ko at tumigil sila sa pag tawa nung nakita nila kaming dalawa. 

"Hannah!" Takbong-lakad ang ginawa nung lalaki palapit sa amin. Si Justine ay nakatingin sa akin ng seryoso pero alam kong inaasar ako sa isip. 

"What happened? Are you okay?" Nag-aalalang tanong nung lalaking lumapit sa amin.

"Clearly, she isn't. Can't you see her knee?" 

Tumingin sa aking 'yung lalaki at kumunot ang noo. From my peripheral vision, nakita kong lumingon sa akin si Hannah. 

"Okay lang ako." Lumingon ako kay Hannah at nakatingin pa din siya sa akin. "I'm fine, it's just a minor cut." 

Umalis siya mula sa pagkakahawak ko at lumapit dun sa lalaki.

"Let's go Prince."

Binuksan nung guard 'yung main gate. Papasok na sana sila nung humarap sa akin si Hannah at ngumit.

"I'll see you later, sungit."

Tumango lang ako sakanya at hinarap si Justine na nakatingin sa akin ng diretso.

"What was that?" Tanong niya.

"Nadapa, tinulungan ko lang tumayo." 

Nilagpasan ko siya at pumasok naman sa loob ng bahay nila. Dumiretso ako sa lanai niya at naupo 'dun.

Sa harap ko ay ang malaki nilang free-formed pool na may maliit na circular hot tub sa gilid. Napapaligiran ito ng clean mowed grass. 

Walang bakod dahil nasa elevated part ng subdivision ang bahay nila Justine. Pero pag lumapit ka sa dulo ay may maliit naman na fence for safety issues.

"Ako ba talaga ang pinuntahan mo o siya talaga ang ipinunta mo para makita?" 

Napalingon ako sa kadadating lang na si Justine. May halong pang aasar ang ngiti. 

Her To-Do-Lists Before She Dies (Short Story)Where stories live. Discover now